Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

49 solons sa PDAF, DAP scam magpaliwanag — Palasyo

PINAGPAPALIWANAG ng Palasyo ang 49 kongresista na sinasabing sangkot sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Program (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP), batay sa Commission on Audit (COA) report.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi natitinag ang kampanya ng administrasyong Aquino sa paglaban sa katiwalian sa pamahalaan.

“Hindi natitinag ang paninindigan ng pamahalaan laban sa tiwaling paggamit ng pondo ng bayan. Ayon sa batas, kapag may inilabas na obserbasyon ang COA, tungkulin ng mga tinutukoy na ahensiya at mga opisyal na maghain ng paliwanag,” ani Coloma.

Ang tamang proseso aniya ay kung sino ang tinutukoy na ahensiya  o opisyal ng COA report ay may tungkulin na sagutin ang obserbasyon dahil may pananagutan sila sa batas.

“Ang dapat na maganap diyan ay alamin ang katotohanan at mabatid kung mayroong mga nalabag na batas at kung sino ang nagsagawa ng paglabag sa batas para mapanagot sila. ‘Yon ang dapat na umiral na proseso sa kaganapang ‘yan,” dagdag niya.

Batay sa COA report, 49 kongresista ang kaduda-dudang ginamit ang kanilang DAP at PDAF allocations, at 47 sa kanila ay kaalyado ng adminsitrasyon at ang tatlo ay oposisyon.

Binigyang-diin ni Coloma, patuloy ang koordinasyon ng Office of the Ombudsman, Department of Justice at COA para maparusahan ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …