Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 katao niratrat sa tricycle patay

KORONADAL CITY – Tatlo ang patay sa pananambang sa Brgy. Estado, Matalam, North Cotabato, bandang 6:30 p.m. kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang sina Joey Delloso, 31-anyos, may asawa, driver at residente ng Poblacion, Matalam; Ramel Quijano, residente ng Brgy. Estado, Matalam; at Geofrey Lauria, may asawa, bankero ng larong toss coin o hantak, at residente ng Carmen, North Cotabato.

Ayon sa impormasyon, sakay ang tatlong biktima ng isang tricycle at binabaybay ang Sitio Esmar nang paulanan ng bala gamit ang M14 rifle ng hindi nakilalang mga suspek.

Napag-alaman, papunta sana ang mga biktima sa Brgy. Estado upang maglaro ng hantak nang mangyari ang insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng Matalam PNP upang malaman ang motibo at ang mga suspek sa likod ng naturang krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …