Monday , December 23 2024

Bulok na serbisyo sa Jose Reyes Memorial Medical Center (Attention:  DOH Sec. Janette Garin)

jose reyesSANDAMAKMAK na reklamo pa rin ang ating natatanggap hinggil sa napakasamang serbisyo ng JRMMC.

Isang kaso na rito ang CT SCAN na talaga namang para kang dumaraan sa butas ng karayom.

Sa paghihintay lang ng proseso at sa dami ng rekisitos baka mauna pang matodas ang kamaganak ng pasyente!

Naiintindihan naman ng mga pobreng pamilya na sa isang government hospital ay kailangan magpa-schedule bago maisagawa ang isang laboratory test.

Kaya naman nagmamadali sila na makapag-comply sa requirements para sa naka-schedule na CT scan. Kung dati raw ay 2-3 araw bago ma-schedule, ngayon masuwerte nang abutin ng dalawang linggo bago pa ma-schedule!?

Maswerte na rin kung ma-schedule ng 10 araw, sabi pa ng isang nurse sa radiology section ng  JRMMC!

Sec. Garin, what the fact!?

‘E paano kung cancer patient o mas malalang karamdaman ang magpapa-schedule for lab test!? Nganga bago matodas!

Isa pang issue sa JRMMC ay pawang OJT nurses ang humaharap sa publiko at tumatanggap ng mga dokumento para sa CT scan bago magbayad. Sila rin ang magbibigay ng dokumento sa doctor kung kailangan ipaulit ang blood test.

Nasaan ang mga plantilla position na nurses!?

Pababalik-balikin sa kakukuha ng clearance at pauulitin ang blood test bago magbabayad rin naman pala ng P6,000 pero aabutin pa rin ng isang buwan bago maisalang sa CT-scan?!

Ganyan ba ang health services sa isang government hospital under national government, Secretary Garin?!

Malayong malayo ang serbisyo ng JRMMC sa Fabella hospital.

Health Secretary Garin, pakitutukan ang lalo pag sumasamang serbisyo medikal sa mga government hospital under DOH!

Pahinga muna sa mga pa-cute na press release!

Puwede ba, Secretary Garin!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *