Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Sweet 16’ pinilahan ng 3 holdaper (Sa harap ng boyfriend)

FRONTKALIBO, Aklan – Pinilahan ng tatlong lalaki ang 16-anyos dalagita sa harap ng kanyang nobyo makaraan sila ay holdapin sa isang sementeryo sa Calachuchi Road, Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan kamakalawa.

Kasong rape at robbery ang kinakaharap ng mga suspek na kinilalang sina Merwin Pelayo, 24; Dariel Soguilon, 20, kapwa residente ng Ibajay, Aklan, at ang 17-anyos menor de edad na taga-Libacao, Aklan.

Ang mga suspek ay naaresto sa isinagawang follow-up operation ng Kalibo PNP station.

Base sa salaysay ng magnobyo na itinago sa pangalang “Hanna” at “Jun,” naglalakad sila pauwi at dumaan sa naturang sementeryo nang harangin ng tatlong suspek at sila ay hinoldap.

Kinuha ng mga suspek ang mga cellphone at pera ng magkasintahan at saka tinanong kung sila ay may relasyon.

Kinaladkad silang dalawa sa gitnang bahagi ng sementeryo at ginahasa ang dalagita sa harap ng boyfriend na walang nagawa.

Nang makaraos ang tatlong suspek ay pinakawalan ang mga biktima.

Nagkaroon ng lakas ng loob na magreklamo ang magkasintahan sa pulisya dahilan kaya agad na isinagawa ang dragnet operations at naaresto ang mga suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …