Nilulumot na ang Boracay
Jerry Yap
May 10, 2015
Opinion
NAGBABANTANG masalaula nang tuluyan ang ‘paraisong’ dinarayo at itinuturing na isa sa mga No. 1 destination ng mga turista — ang isla ng Boracay.
Huwag na kayong magtaka kung isang araw ay magising na lang ang mga taga-Boracay na masangsang ang amoy ng karagatan at biglang maglutangan ang mga basurang ibinaon sa buhanginan.
‘Yan ay dahil walang maayos na sewerage system sa buong isla gayong maya’t maya ay tayuan-tayuan ng mga estrutuka gaya ng hotel, resort, restaurant, entertainment bar at iba pa.
S’yempre kung ganyan na karami ang tao sa islang ‘yan, ang unang itatanong natin, saan napupunta ang human waste at ang iba pang basura?!
‘Yan ang numero unong problema ngayon ng Boracay.
Pansinin ang kulay ng dagat ngayon sa Boracay. Nasubukan na rin ba ninyong amuyin? Kung magaling din kayong mag-obserba, mapapansin rin ninyo ang paglutang ng lumot sa dagat. ‘Yan po ang Boracay ngayon.
Pero palagay natin ay may solusyon naman d’yan kung aayusin lang ng local government unit (LGU) ang sewerage system sa buong isla.
At dapat ay maging mahigpit ang Department of Natural Resources and Environment (DENR), ang LGU at iba pang sangkot na ahensiya ng pamahalaan sa pagpapatupad sa pamamagitan ng paghihigpit sa pagbibigay ng permit lalo na kung walang malinaw na plano sa kanilang sewerage system.
Sa kasalukuyan, nakalulula ang bilang mga estrukturang itinatayo sa nasabing isla gaya ng mga hotrl, resort, commercial center at iba pa.
Kung hindi makikinig, hindi pagtutuunan ng pansin at sosolusyonan ng DENR, LGU at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang problemang, huwag na tayong magtaka kung isang araw ay magising na lang ang buong bansa na ang Boracay ay isa nang “no man’s land” dahil isa na itong isla ng basura.
Happy Mother’s Day
BINABATI po natin ang lahat ng isang happy mother’s day!
Sa lahat po ng mga nanay ‘yang pagbati na ‘yan. Ganoon din sa single parents, babae o lalaki man dahil sila ay mayroog dalawang papel sa buhay — ang maging tatay at nanay sa kanilang mga anak.
Ito po ang espesyal na araw ninyo!
Sa mga anak, aba, kahit isang araw lang ilibre ninyo sa ano mang gawaing-bahay ang inyong mga nanay at hayaan ninyong mag-relax at mag-enjoy sila ngayong araw.
Muli, isang maligaya at makabuluhang araw ng mga nanay sa inyong lahat!
Pamilya Veloso hiniling maghinay-hinay sa pagsasalita
GUD am sir Jerry, panawagan q lng sa pamilya ni Maryjane Veloso… kung wala clang magandang sasabihin, hwag na nilang ibuka ang bibig nila… dahil lumalabas lng ang pagka-ingrato nila. Ke cnu pa man ang dahilan ng pagkakaudlot ng firing squad sa anak nyang c Maryjane. Hndi na mahalaga un, at least buhay pa c Maryjane. Aminin nila at hndi, gobyerno pa rin ang dahilan kung bakit naudlot. Hinay-hinay lng cla sa pagyayabang. Alalahanin nila temporary lng un… baka bitiwan ng gobyerno ang pagtulong, mataranta cla. Di na nga alam ng gobyerno ang gagawin nila, e… tumulong at hndi, binabatikos.
#+63920556 – – – –
Gustong mabunyag kung paano nakawala si Gerry Sy sa Immigration
NAGTATANONG ka sir magkano este paano pinakawalan si Gerry Sy? HATAW dated April 30, 2015 nabasa ko. Salamat. Hope u’l dig dis deeper at isiwalat sa lahat. Tnx at para malaman kung sino ang mga tao na involve sa pangyayari. My salute.
#+63918409 – – – –
Kaya napapahamak ang mga pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa
KUNG talagang may oportunidad at matitino ang mga namamahala sa gobyerno at buhay ang moralidad, ‘di sana’y walang napapahamak na mga kababayan natin sa ibang bansa kaya nasa ating mga tao na rin kung gusto nating mabago talaga ang lipunan ito. Donald ng Tondo. #+63919665 – – – –
Duty ng CAFGU depende po sa pangangailangan at kasunduan
GOOD am sir Jerry, magtatanong lng po sa duty ng CAFGU volunteers, authorized po bang 20 days ang duty sa isang buwan. Salamat po. Quezon Province #+63919729 – – – –
Mga tulak sa Cherry Hills Antipolo City (Attn: PDEA)
GOOD evening po sana maaksyonan agad i2ng cla Mr. Rene Villa— at Grace Bant— n drug pusher sa Cherry Hills San Luis Antipolo City at sa job line Cubao Q.C. collector yn c Mr. Villa— kaya sana naman i2 mga notoryus n drug pusher ng Baraes Antipolo #+63907598 – – – –
Bigtime pusher sa Tondo, Manila (Attn: PDEA)
GOOD day sir Jerry Yap tanong ko lang bakit di hinuli d2 sa amin ang bigtime drugs pusher na c alyas lea, area 1 bliss project San Gregorio St. Tondo, Manila #+6399946 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com