Monday , December 23 2024

Petisyon ni Sen. Trillanes na ipatigil ang K-12 program dapat natin suportahan

suspend k-12ISA tayo sa mga naniniwala na dapat suportahan ang panawagan ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na ipatigil ang K-12 program o Republic Act 10533 na magdaragdag ng dalawang taon sa high school ang Department of Education (DepEd).

Una, gaya ng sinasabi ni Senator Trillanes, hindi makitaan ng kahandaan ang DepEd gayon din ang Commission on Higher Education (CHEd) sa pagpapatupad ng programang ito.

Sa kanyang Petition for Writ of Preliminary Injunction and/or Temporary Restraining Order na inihain, sinabi ni Trillanes na labag sa Saligang Batas ang pagpapatupad ng K-12 law sapagkat hindi ito umaayon sa probisyon na naggagarantiya sa karapatan ng mga tao at ng kanilang kinabibilangan na organisasyon na makonsulta at makalahok sa ano mang antas ng sosyal, politikal, at pang-ekonomiyang pagdedesisyon.

Sa Senado, nag-iisa lamang si Senator Trillanes na hindi sumang-ayon sa pagpapatupad ng K-12 program, kaya hindi na tayo nagtataka kung bakit marami siyang kritiko at detractors sa isyung ito.

Excuse lang po ano, si Senator Trillanes, umikot siya sa iba’t ibang probinsiya at lungsod sa buong bansa lalo na doon sa mga liblib na lugar at siya mismo ang nakarinig ng mga hinaing ng mga teacher, magulang at estudyante.

Alam po ba ninyo kung ano ang kalagayan ng mga kababayan natin sa mga liblib na pook?!

‘Yung hindi makapag-aral kasi malayo ang eskwelahan. Kailangan muna nilang lumakad sa mga pilapil, tumawid ng ilog at bumaba-umahon sa bundok bago makarating sa kanilang eskuwelahan.

Pagdating sa eskuwelahan, nakasalampak sila sa ilalim ng puno at doon nag-aaral kasi, walang school building, at lalong walang upuan.

Alam nating maraming proyektong school buildings and classrooms ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa tulong ng PAGCOR, pero maliwanag na iyon ay backlog pa noong mga nakaraang administrasyon. Mabuti na lamang at mahusay si PAGCOR Chairman Bong Naguiat kaya tuloy-tuloy ang proyekto NA ‘yan.

At ‘yun ang isang napakalaking concern dito ni Senator Trillanes, mantakin ninyong ‘yung 10 taon nga lang sa elementary at high school, kinakapos pa tayo sa school buildings ‘e di lalo na ‘yang magdagdag pa ng dalawang taon?!

Kung itutuloy ang K-12 program maliwanag na ang makikinabang dito ay mga private school. Dahil pribado at magbabayad nang malaki ang mga magulang para sa tuition fee, natural pagsisikapan nilang mag-open ng Senior High Schools.

‘Di ba, DepEd Sec. Armin Luistro?!

Hindi mo kasi nakikita ang problemang ‘yan Mr. Luistro dahil galing ka sa De La Salle University (DLSU) na ang mga estudyante ay kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang sa napakataas na tuition fee!

Baka nalilimutan ninyo, mas maraming mahirap at naghihikahos sa bansa kaysa may kakayahang magpaaral sa private schools.

Kaya nga marami ang naghihinala na ‘yang mabilis na pagpapasa ng K-12 Law ay pabor na pabor sa mga may-ari ng mga paaralang pribado, ‘di ba, Mr. Luistro?!

Kung si Senator Trillanes ay naninindigan para tutulan ang pagpapatupad ng K-12 program dahil nakita at napag-aralan niya na lalo lamang nitong pagkakaitan ng edukasyon ang mahihirap nating kababayan, ito namang si Education Secretary Lusitro ay atat na atat na ipatupad ang K-12 program.

Naiintindihan natin na ito ay imposisyon ng IMF-WB dahil kasama ito sa Letter of Intent (LOI) ng mga naunang namahala sa gobyerno natin para makautang sa nasabing institusyon, pero por Diyos por Santo, Secretary Luistro, suriin mo nga ang krus sa iyong dibdib, kung  ‘yang K-12 program ay naaayon sa turong-Kristiyano?!

Secretary of Education ka pa naman, ikaw dapat ang unang naninindigan laban sa mga maglulublob sa ating mga kabataan sa kamangmangan pero ikaw pa ang nanguna.

Mabuti na lang at mayroong isang Senator Trillanes na kahit nag-iisa lang siya sa mga hindi sumang-ayon sa K-12 Law ‘e hanggang ngayon ay lumalaban.

Ngayong araw, Mayo 9, dakong 3pm, ay maglulunsad ng isang malaking rally laban sa K-12 Law sa Liwasang Bonifacio Maynila, inaayayahan po natin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral at mga edukador na lumahok para ipakita ang malawak na pagtutol sa implemantasyon ng K-12 program.

Ipaglaban natin ang tunay na edukasyon para sa ating mga kabataan.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *