SINIBAK sa kanyang puwesto ang bagong hepe ng PNP-Firearms and Explosive Office (PNP-FEO) na si Senior Supt. Dennis Sierbo.
Mismong si Sierbo ang nagkompirma sa kanyang pagkaka-relieved sa puwesto, ngunit tumanggi ang opisyal na sabihin ang dahilan ng kanyang pagkakasibak.
Kahapon lang natanggap ng opisyal ang naturang relieved order na epektibo rin kahapon.
Ayon sa opisyal, hindi pa niya alam kung saan siya ililipat ng puwesto.
Napag-alaman, dalawang buwan pa lamang nauupo sa PNP-FEO si Sierbo at agad siyang nagpatupad ng mga pagbabago lalo na sa pagkuha ng PTCFOR at LTOPF na pinadali ang proseso sa pamamagitan ng pagbabawas ng requirements.
Samantala, ang papalit sa puwesto ni Sierbo sa FEO ay si Senior Supt. Elmer Sarona.
(HNT)