Monday , December 23 2024

Jakarta ititigil na ang pagpapadala ng domestic workers sa Middle East (Dahil sa ibinitay na 2 Indonesian women)

050615 Indonesia

HINDI na umano magpapadala ng domestic workers ang Indonesia sa mga bansa sa Middle East.

‘Yan ay matapos, bitayin ang dalawa nilang mamamayan na nagtatrabaho bilang domestic helper sa Saudi Arabia dahil umano sa kasong murder.

Inihayag ito ng Indonesia, ilang araw matapos, bitayin ang walong drug-convict mula sa iba’t ibang bansa habang ipinagpaliban ang pagbitay sa Pinay na si Mary Jane Veloso.

Kabilang sa mga bansa sa Middle East na maaapektohan ng desisyon ng Indonesia ang

United Arab Emirates, Qatar, Bahrain at Egypt.

Sa loob umano ng tatlong buwan ay ipatutupad na ang kautusang ito.

Nabuo ang desisyon ng Jakarta sa nasabing isyu dahil, una, matagal na silang nakatatanggap ng mga reklamo hinggil sa pagmamaltrato ng Middle Eastern employer sa kanilang mga mamamayan na nagtatrabaho bilang domestic helper.

At ikalawa nga, hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang Saudi Arabia government hinggil sa kaso ng dalawang binitay na Indonesian women.

Ginawa na raw ng Indonesia ang nasabing ban noong 2011, matapos pugutan ng ulo ang isang manggagawa.

Pero sa pagkakataong ito, gusto na ng Indonesia na gawing permanente ang ban sa pagpapadala ng mga domestic helper sa Middle East.

Nakaiinggit kung paano mahalin at ipagtanggol ng Indonesia ang kanilang mamamayan.

Kaya nilang magdesisyon at magdeklara ng moratorium o ban sa pagpapadala ng labor force sa iba’t ibang bansa lalo na kung hindi mabuti ang trato sa kanilang mga mamamayan.

Sana, ganoon din katapang ang ating gobyerno. ‘Yung tapang na hindi kailangang makipag-away, makipagsigawan o makipaggiyera kundi ‘yung tapang na kayang manindigan.

Gaano karami na bang Pinay OFWs ang inabuso at minaltrato diyan sa bansa ng mga Arabo!?

Sa tibay ng gulugod ng ating mga lider nakasalalay ang respeto ng ibang bansa sa ating mamamayan.

Kaya hindi dapat magpatawing-tawing ang gobyerno ni PNoy sa pagtatanggol kay Mary Jane.

Ano man ang nabitawang salita ng pamilya Veloso, higit sa lahat, mas dapat lawakan ng mga opisyal ng pamahalaan na nakatutok sa kasong ito, ang kanilang pang-unawa.

Maraming paraan para ipaliwanag sa pamilya Veloso kung ano man ang maging problema sa tuluyang pagliligtas kay Mary Jane.

Ang importante, ipakita ng gobyerno ni PNoy na sila ay pamahalaan na marunong manindigan para sa kanilang mamamayan.

Gayahin kaya ni PNoy ang ginawa ng Indonesia para sa kaligtasan ng mga manggagawang Pinoy?!

Aabangan natin ‘yan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *