Teacher: Lahat ng tanga rito sa klase tumayo! (May isang batang tumayo)
Teacher: Bakit tanga ka ba?
bata: E Sir.. naaawa lang po ako sa inyo kasi mag-isa lang kayong nakatayo kaya sasamahan ko na lang kayo, para dalawa tayong tanga…
***
KRIS: Nay, nay, tingnan n’yo po ang drawing ko o!
NANAY: Wow! Ang galing naman mag-drawing ng MONKEY ng bunso ko!
KRIS: Nay, kayo po ‘yan!
***
WALANG-WALA
TEACHER : Tom, may apat akong mansanas. Bawasan mo ng dalawa. Ilan ang natira?
TOM: Dalawa po.
TEACHER : Very good! Gary, meron akong limang mansanas…kinain ko ang isa. Ilan ang natira?
GARY: Apat po!
TEACHER : Very Good! Anton, Stand Up!, Anton, may tatlo kang mansanas. Ini-lagay mo ‘yung dalawa sa refrigerator ninyo. Ilan na lang ang hawak mong mansanas?
ANTON : Tatlo pa rin po.
TEACHER : Bakit?
Anton : Wala po kasi kaming refrigerator!
***