Wednesday , November 20 2024

Welcome new harassment!

jsy bailTULOY-TULOY lang at tila ayaw tumigil ng harassment na ipinupukol sa inyong lingkod ng mga taong patuloy na nagbabalat-sibuyas sa ginagawa nating pagpuna sa mga iregularidad na kanilang kinasasangkutan.

Hindi ko ngayon ma-imagine kung nakatutulog o natutulog pa ba ang mga taong nasa likod nang walang tigil na pangha-harass sa inyong lingkod.

Hoy matulog naman kayo! Baka dahil hindi na kayo nakatutulog pati pamilya ninyo ay napeperhuwisyo na ninyo sa pagiging iritable ninyo.

Mag-YOLO naman kayo!

Nakokonsensiya tuloy ako na habang nag-i-enjoy ako sa imbitasyon ng ilang kaibigan sa Europe na magbakasyon sa kanilang lugar kahit saglit ‘e kayo naman pala’y hindi makatulog sa kapa-plano kung paano ako ipahihiya sa airport.

Kung noong una ay mga elemento ng Manila Police District (MPD), kahapon naman ay mga Immigration agents.

Pagdating ng inyong lingkod sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ‘e mayroon na naman ilang elemento na nais akong ipahiya. Pero hindi sila nagtagumpay (Saka ko na po ikukuwento ang buong detalye).

Mantakin n’yo naman, pag-alis natin last week e wala pa tayong DERO. Aba naman pagbalik ‘e bigla akong binulaga ng DERO?

Sorry guys, ang tagal na ng kasong ‘yan!

Beeeh, buti nga!

Hindi pa rin tumigil, meron pa ulit humarang.

Pero maraming salamat sa ilang kaibigan na sumalubong at inilinaw sa isang low-ranking policeman kung ano ang nature ng ating kaso.

Libel case po ang kinakaharap nating kaso at ginagamit na pang-harass laban sa inyong lingkod.

Hindi po ito karumal-dumal na krimen o extortion, bullying o chop-chop na mga motorsiklo o pangha-harass sa mas mahihinang tao.

Idinedemanda po tayo ng Libel dahil gustong patahimikin ang inyong lingkod.

And I pity them.

Ang enjoyment po ng mga naninikil sa inyong lingkod ay hindi bigyan ng kasiyahan ang kanilang pamilya kundi ang saktan at gipitin ang inyong lingkod.

Gusto tuloy nating tanungin, nabubuhay ba sila sa aking anino?!

Tsk tsk tsk…

Then I am asking you, FREE YOURSELVES from my shadow so you can live contently and happily.

Simpleng advice lang po ‘yan. Subukan n’yo rin batiin ang inyong mga sarili tuwing umaga ng HAKUNA MATATA, and I’m sure, it will relieve you from the pains of your past.

‘Yun lang po.      

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *