Thursday , December 26 2024

Talo sa laban pero wagi pa rin si Pacman

00 Bulabugin jerry yap jsyDAHIL sa kababaang-loob at sa ipinakitang pagsisikap na ipanalo ang laban kontra Floyd Mayweather, Jr., marami talaga ang nadesmaya nang matalo by unanimous decision si Manny “Pacman” Pacquaio sa naganap na Battle For Greatness kahapon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sa umpisa pa lamang ay mas marami ang umasa na si Pacman ang tutuldok sa kayabangan ni Mayweather Jr sa ring kaya nga marami ang naniniwala na ang panalo ng Kano laban sa Pinoy ay isang ‘hometown decision.’

Tingin ito ng mga manonood at karamihan ay fans ni Manny. Sabi nga, sino ang mananalo sa kalaban na Kano, ang referee ay Kano, ang tatlong judge ay mga Kano at sila ay magsasagupa sa teritoryo ng mga Kano.

Katunayan, nang ideklara ang panalo ni Floyd ay umugong ang malakas na BOOO at pagkaraa’y katahimikan.

Kaunod nito ay makikita sa kamera ang desmayadong mukha ng mga manonood.

Dahil sa pagkatalo ni Pacman, tiyak na matagal pang pag-uusapan ang nasabing laban.

Sa bahagi ni Manny, umamin siya na mahirap lumaban na iisang kamay lang ang sumasagupa. Hindi niya ito idineklara pero naramdaman daw niya bandang 3rd Round kaya nagre-request siya na saksakan siya ng pantanggal ng sakit pero hindi napagbigyan ang kanyang request. 

Gusto sigurong sabihin ni Manny, isa ito sa dahilan kung bakit hindi nabilang ng tatlong judges na Amerikano ang kanyang mga suntok.

Anyway, wala na tayong magagawa. Talo si Manny at kung papayag si Mayweather para sa isang Rematch, ‘yan na lang ang aabangan natin.

Pero sa totoo lang, manalo/talo sa laban ay panalo pa rin si Pacman. Iuuwi niya ang hindi kukulangin sa US$100 milyon.

Langit na rin siguro ang nagtakda, upang harapin na ni Manny ang mas mabigat niyang tungkulin sa bansa — ang pagiging mambabatas na kinatawan ng Sarangani.

Maging ang anak ni Manny ay humiling na huwag na sanang mag-rematch.

Sa ganang atin, panahon na para magdesisyon si Manny kung paano siya magkakaroon ng graceful exit sa mundo ng boksing.

Dapat na siyanga magdesisyon — it’s now or never.

Welcome back Customs Commissioner Bert Lina!

NITONG nakaraang Abril 24, araw ng Biyernes, opisyal nang umupo bilang Commissioner ng Bureau of Customs (BoC) si  Mr. Albert Lina.

Ito ang ikalawang pagkakataon na magiging Commissioner ng BoC si Mr. Lina na naunang umupo noong 2005, panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ngayon, mayroong natitirang 12 buwan o isang taon si Commissioner Lina para ‘baliktarin’ ang reputasyon ng BoC.

Pero sabi nga ni Commissioner sa kanyang pakikipagpulong sa business staff ng isang pahayagan, masyadong “unfair” ang hindi magandang reputasyon ng BoC sa publiko.

Sabi niya, maraming mabubuting tao sa loob ng BoC.

Naniniwala rin siya na ‘yung mabubuting tao na ‘yun ang makatutulong sa kanya para maabot ang target collections para sa 2015.

Nitong 2014, umabot ang koleksiyon ng Customs sa P369.31 bilyones pero kapos pa rin ito sa goal na P408.10 bilyon na itinakda ng pamahalaan.

Sa kasalukuyang taon (2015), naitaas ng BoC ang kanilang koleksiyon nang mahigit sa 23 percent para maabot nila ang target na P456.468 bilyon.

Naniniwala si Commissioner Lina na sa pamamagitan ng pagpapatuloy niya sa repormang inumpisahan ng pinalitan niyang si dating Commissioner John Philip Sevilla at pagsusulong na gawing exempted ang BoC sa Salary Standardization Law (SSL) ay makatutulong nang malaki sa isusulong niyang reporma.

Kung tataasan umano ang suweldo ng mga Customs personnel tiyak na makapagtatrabaho sila nang maayos.

Sabi nga ni Commissioner Lina, hindi usapin kung halos isang taon na lang ang magiging panunungkulan niya sa BoC.

Aniya, ang BoC ay proseso ng  isang kabuuang gawain, pero gaya umano sa basketball, maraming puwedeng mangyari sa loob ng dalawang minuto.

‘Yun bang tipong diskarteng last two-minutes?!

Well said, Commissioner!

Bagama’t marami ang nagtatanong kung bakit bigla mong ipinadala sa Customs Policy Research Office (CPRO) ang abogadong nag-iimbestiga sa isa mong kompanya, naniniwala pa rin ang mas marami na mayroon kang maliwanag na dahilan.

Iisa lang ang ibig sabihin n’yan, nasa Customs ka na nga!

Welcome back, Commissioner Lina!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *