Aries (April 18-May 13) Kahanga-hanga ang mga paghamong iyong nalusutan, at medyo nakagigimbal ang iba.
Taurus (May 13-June 21) Pagtuunan muna ng pansin ang maliliit na bagay. Hindi mo mapagtutuunan nang buong atensyon ang malalawak na obligasyon.
Gemini (June 21-July 20) Balikan ang mga ala-ala sa pakikipag-ugnayan sa malalayong mga kaibigan, magpadala ng emails.
Cancer (July 20-Aug. 10) Maglaan ng panahong linisin ang iyong work area – pagagaanin nito ang iyong pag-iisip.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maghinay-hinay. Bigyan ng panahon ang pananampalataya upang matiyak na hindi ka magkakaroon ng problema.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang hindi naresolbang romantic issue ay posibleng magkaroon nang magandang katapusan.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Masyado kang napagod nitong nakaraang araw, dahil marami kang tinapos na trabaho.
Scorpio (Nov. 23-29) Nais ng mga taong mabatid ang iyong mga lihim ngayon, ngunit hindi mo ito mapapayagan.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Makipagpalitan ng kuro-kuro sa iba. Medyo mawiwindang ka sa opinyon nila, ngunit maaari rin silang makatulong sa iyong ikatatagumpay.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Magdahan-dahan: hindi ito ang tamang panahon para sa pagsasaliksik o paggawa ng mga kalkulasyon.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Kung magagawa mong makipag-deal sa iba, tiyak ang matatanggap mong pabuya.
Pisces (March 11-April 18) Ito ay mainam na araw para sa pagsisimula ng bagong proyekto, ngunit huwag itong masyadong mamadaliin.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Matatag ang iyong enerhiya ngayon, ibig sabihin nasa magandang posisyon ka sa pakikipagtalakayan sa relationship issues.
ni Lady Dee