PINAGHAHANAP ng mga pulis ang shoplifting suspect na nakasuot ng ‘Won’t Be Caught’ shirt, at ang kanyang kasabwat.
Nakunan ng security cameras sa Florida shopping mall ang dalawang babae habang palabas ng pamilihan tangay ang ninakaw na $1,478 halaga ng mga produkto.
Ang isang babae ay ay nakasuot ng shirt na may katagang ‘Won’t Be Caught’ sa block letters sa harapan.
Inihayag ng Hillsborough County deputies, ang dalawang babae ay pumasok sa Ulta Beauty Supply sa Citrus Park dakong 3:45 p.m. noong Marso 15 habang may dalang bag na nakatago sa isa sa kanilang purses.
Nang nasa loob na ay kinuha nila ang bag at nilagyan ng pabango at cologne, at mabilis na tumakas lulan ng bright blue Hyundai.
Ayon sa ulat ng Fox Tampa Bay, ang mga babae ay nakatangay ng mamahaling designer brands ng pabango at cologne katulad ng Chanel, Polo, Mont Blanc, Yves Saint Laurent at Michael Kors. (THE HUFFINGTON POST)