Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PM Lee Kuan Yew, paalam VP Nognog Binay, kapal mo,pwe!

00 kontra salot afuangTHICKFACED ka talaga Rambotito Binay. Mantakin po ninyo Bayan, inihalintulad ng tarantadong hambog na si Nognog Binay ang kanyang sarili sa namayapang bayani na si Singaporean PM Lee Kuan Yew. DIYOS KO PO! Ang kapal ng pagmumukha mo BINAY. @#$%^&*()!

Iba si PM Lee Kuan Yew, IBA KA NOGNOG, lalo na pagdating sa ISYU ng integridad, kredebilidad at moralidad ang pag-uusapan. Walang BAHID DUNGIS ang pagkatao ni LEE KUAN YEW.

Sa totoo lang po Bayan, magkamag-anak si JUDAS at si JOJO Binay. Bakit po kanyo? Pareho po kasi sila ng kaso, si Judas, betrayal of Jesus Christ. Ipinagkanulo niya ang ating Panginoong Hesus sa halagang 30 pirasong pilak, si Nognog Binay, betrayal of public trust. So, pareho po silang dalawa, dahil sa love & greed of money. Kaya pareho nilang Ipinagkanulo ang kanilang pinaglilingkuran.

Right Atty. Jesus Joseph Maria “Jejomar” Binay?

Ang dayuhang Kastilang Zobel de Ayala, ngayo’y may-ari ng lahat ng lupain sa buong kapuluan, pakner in crime ni FVR, ang nagpaunlad ng noo’y kangkungan at mga talahiban ng bayan, nang pulis-Makati pa si Afuang noon. Never heard pa si plunderer Nognog Binay noon. Kahit sa Culi-Culi, Bangkal, Makati.

Si Zobel De Ayala ang nagpaunlad ng Makati sa tulong ng namayapang Mayor Nemesio Yabut, hindi ikaw VP Nognog Binay. Isa si Afuang sa living witness na magpapatotoo na isa kang asungot noon before 1986 People Power. Papaano ka naging bilyonaryo?

Ganoong wala kayong ibang source of INCOME, kayong mag-asawa na si Dra. Elenita Binay et al. Iginisa po ni Nognog sa sariling mantika ang Makati taxpayers’ money sa pamamagitan ng iba’t-ibang proyekto kuno, like “Adorable Birthday Cake” atbp.

Balik po tayo kay PM Lee Kuan Yew ng Singapore. Kahit look-a-like malayong-malayo ka Nognog kay PM Lee Kuan Yew. Bukod pa rito, walang iniwan na utang sa kanyang inang bayan ang bayaning PM ng Singapore. Pero ikaw Nognog, malaki ang ‘utang inang’ dapat mong pagbayaran sa sambayanang Filipino.

Remember Binay, winawasak ng Diyos namin ang sinungaling. Psalm 5:6 At ang ika-pitong utos ng Diyos “Huwag Kang Magnakaw.” Sinunod mo ba ito Nognog? Never! Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.

 

HOW TO BE RICH? YOU SHOULD BE A CHINESE

Or pekeng Pinoy, using so many aliases, like AHEN CHEN et al.

Sino po ba ‘yan? Ang mga dapat habulin ni Dancing Queen BIR Com. Kim Henares? Katulad nitong print add ng BIR: “When you don’t pay your taxes, you’re a burden to those who do.”

Nagbabayad po ba ng tamang buwis Ms. KKK Kim Henares ang 10 PH billionaires na Idineklara ng Forbes na 10 Chekwa ng Filipinas? Na mayaman sa Buong mundo noong taon 2014.

Narito po Ms. Kim Henares ang bilyong dolyares na kuwarta ng bawat isa: Henry Sy, $11.4B; Lucio Tan – Tax Evader – $6.1B; Andrew Tan, $4.7B; Enrique Razon Jr. -$4.2B; John Gokongwei Jr., $3.9B; David Consunji, $3.3B; George Ty, $2.3B; Tony Tan Caktiong,$1.7B; Robert Coyuito Jr., $1.5B; at Andrew Gotianum, $1B.

Did we, taxpayers ever get our taxes worth? Hindi po!

Sino po ngayon Ms. Kim Henares ang pabigat sa taumbayan? Mayroon po bang nagawa ang ating gobyerno para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis, tubig, tuition fee, koryente, pagkain atbp., pangangailangan o mga basic commodities na kailangan ng mga pobreng Pinoy? Hindo po.

Hindi kaming mga taxpayers ang pabigat sa bayan, kundi ang mga bilyonaryo ‘yan atbp mga mandaraya na negosyante, outlaws lawmakers, pakner in crime, and almost all branches of our gov’t in our country. Period.

***

UGALIING manood sa Royal Cable TV Program “Kasandigan ng Bayan” Martes at Miyerkoles 9 to 12 noon. Mayor Abner Afuang with Royal Cable TV Manager & Southern Tagalog Broadcast Journalist Assn. Inc. President Cris Sanji. Maraming Salamat po. Godspeed.

 

ni Abner Afuang

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …