Tuesday , November 19 2024

Maitumba kaya ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr?  

040715 pacman floyd

BUKAS matutunghayan na ang pinakahihintay ng buong mundo na labanan sa ibabaw ng ring.

‘Yan ang “Battle for Greatness” nina undefeated American pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr., at Pinoy boxing champ, Manny “Pacman” Pacquiao sa MGM Las Vegas, Nevada.

Gaya nang dapat asahan, kabilang sa magiging audience ng laban ni Pacman ang ilan nating mga mambabatas lalo na ang mga kongresista na kasamahan niya sa House of Representatives.

As usual, tiyak na marami na ang nagpustahan… ‘wag sana silang mabigo sa kanilang mga pusta.

Bagamat maraming Pinoy ang naiinis sa kayabangan ni Mayweather Jr., alam nating hindi ito ang labanan, kundi ang tapatan ng kanilang lakas at taktika sa ibabaw ng ring.

Ang estilo ni Mayweather Jr., ay tila pang-aasar para magalit o mapikon ang kalaban. Siyempre kapag galit ang isang tao, nawawala sa tamang wisyo.

Pero sa dami ng mga naging laban ni Pacman, naniniwala tayo na hindi mananalo ang nasabing estilo ni Mayweather Jr., laban sa kanya.

Mabigat ang laban na ito ni Pacquiao dahil mayroon siyang dapat patunayan. Lalo na’t ang kanyang kalaban ay wala pang naitatalang pagkatalo sa boksing.

Si Manny ay ilang beses na rin nakatikim ng talo pero napagtagumpayan din niyang maging pound-for-pound king.

Kaya ang aabangan natin bukas ay labanan ng dalawang pound-for-pound king kaya nga “Battle for Greatness.”

Siyempre dahil Pinoy tayo, gusto nating manalo si Pacman sa labang ito. Sapagkat ito ay magdaragdag na naman ng karangalan sa buong bansa gayon din sa ating mga kababayan sa buong mundo.

Marami ang nagsasabi na buwenas para kay Manny ang pansamantalang pagkakapigil ng bitay ni Mary Jane Veloso. Katunayan, gusto nga siyang dalawin ni Manny kapag natapos ang laban sa Las Vegas.

Wish lang natin na magtagumpay si Manny, para naman buong-buo ang kagalakang maramdaman ni Mary Jane kapag dinalaw siya sa Indonesia.

Gusto nating manalo si Pacquiao, dahil baka ‘uminit’ ang ulo ng ilang opisyal ng gobyerno na pumusta nang malaki, kapag natalo siya, tiyak madadamay ang mga serbisyong ipinagkakaloob nila sa mga kababayan natin.

Gusto nating manalo ang paboritong anak ni Mommy D., dahil alam natin maraming makikipagsaya sa kanya at maraming sasabit kapag muli siyang nanalo.

Pero higit sa lahat, gusto nating manalo si Manny Pacquaio dahil insipirasyon siya ng maraming kabataan na nangangarap magtagumpay sa larangang kanilang pinangangarapan na mapagtagumpayan.

Mataas na morale booster para sa ating bansa at sa ating mga kabataan kapag nanalo si Manny.

At sa kabila niyan, gusto rin natin sabihin na kabilang tayo sa umiidolo kay Manny sa pagiging boxing champ niya pero ikinalulungkot nating sabihin na hindi tayo natutuwa sa pagpasok nilang mag-asawa sa politika.

Alam natin manalo-matalo kay Mayweather Jr., ay sasabak sa mas mataas na posisyon ni Manny, senador at pagkatapos nito, tiyak mangangarap din siyang maging presidente…

Kaya ang dasal natin… sa laban nila ni Mayweather Jr., God please help Manny Pacquaio.

Sa kanyang planong pagtakbo sa senado o sa pagiging presidente ng bansa… God forbids.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *