Sunday , December 22 2024

2 sugatan sa granada (Sa North Cotabato)

101114 explode grenade

KIDAPAWAN CITY – Tatlo ang sugatan sa pagsabog dakong 7:05 p.m. kamakalawa sa lalawigan ng Cotabato.

Kinilala ang mga sugatan na sina Shiela Calambro, 16; Leo Caligayan, 34; at Nenita Calambro, 41, pawang mga residente ng Sitio Balisawan, Brgy. Tomado, Aleosan, North Cotabato.

Ayon kay Cotabato PNP provincial director, Senior Supt. Danilo Peralta, bumibili ng pagkain ang mga biktima sa isang tindahan na pagmamay-ari ng isang Ramil Cordero nang biglang hagisan ito ng granada ng dalawang hindi nakilalang mga suspek.

Dahil sa lakas ng pagsabog ay tinamaan ang mga biktima sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan sa isang motorsiklo.

Ang mga biktima ay agad dinala sa Aleosan District Hospital.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *