SLIDELL, La. (AP) — Quack! Quack! Nasagip ng duck call ringtone ng Louisiana firefighter ang anim bibe na naanod patungo sa imburnal.
Sinabi ni Spokesman Chad Duffaut ng St. Tammany Fire District #1, maging sa reyalistikong quacking sounds mula sa kanyang cellphone, umabot din ng 90 minuto bago nahuli ni Firefighter Cody Knecht ang apat na baby mallards sa southeast Louisiana community ng Slidell.
Ayon kay Duffaut, nasagip ni Knecht ang iba pang bibe makaraan ang isang oras na pagpapakalma sa mga ito.
Ang lahat ng anim na bibe ay naibalik na sa kanilang ina sa kanal sa gilid ng isang bahay, kung saan nakita ng ilang mga residente na inanod patungo sa imburnal.
Sinabi ni Duffaut, ito ang pangalawang pagkakataon na nakasagip ang kanilang fire station ng mga pato sa loob ng isang linggo.
Nitong Abril 19, nakasagip din ang mga bombero ng pato na na-trap sa chimney.