Wednesday , November 20 2024

Agrabyado at desmayado pa rin ang mga obrero

obreroUNA, gusto po nating batiin ang mga manggagawa at iba pang sektor na ginugunita ang kahalagan ng Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa sa araw na ito.

Isang makabuluhang pagbati po!

Alam nating hindi kayo masaya sa nangyayari ngayon dahil wala tayong nakikitang hakbang mula sa pamahalaan para pagaanin man lang kahit konti ang pasanin ng mga pangkaraniwang manggagawa sa ating bansa.

Walang pronouncement si Pangulong Noynoy kung ano ang regalo niya sa mga manggagawa.

Siguro dapat nang masanay ang mga manggagawa. Hindi kayo prioridad ng administrasyon ni Noynoy kahit malaking puwersa kayo na nagpapasan at nagpapaikot ng “industrial wheel” sa ating bansa.

Kaya nga hindi natin maintindihan kung bakit naglalaan ng bilyon-bilyong pondo sa tinatawag nilang 4Ps para kuno sa indigents pero hindi man lang mabigyan ng umento ang mga obrero?

Totoo bang kayang paunlarin ni PNoy ang ekonomiya ng bansa?!

‘E bakit nagdiriwang siya kapag iniuulat na nadagdagan na naman ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs)?!

Tsk tsk tsk…

Sa totoo lang, ang natutuwa lang sa mga sinasabi ni Noynoy ay ang SM, Puregolds at Robinsons  dahil  sila  ang  mga  numero unong padrino ng implementasyon ng contractualization.

Malaki ang natitipid nila sa pagbibigay ng benepisyo sa kanilang mga empleyado dahil mga contractual nga.

Pagkatapos ng kontrata, maibibilang na ang nasabing mga manggawa sa ‘ENDO’ workers.

At ‘yan ang malaking kalungkutan sa ating bansa.

Hindi na maitaas ang sahod, hindi pa mabigyan ng “security of tenure” ang mga manggagawa at iba pang empleyado.

 Kailan kaya maiintindihan ng mga nasa gobyerno na ang ating mga manggagawa ang mag-aangat ng ating kabuhayan lalo na kung maayos at naaayon sa itinatakda ng isang maayos na lipunan ang trato sa kanila ng pamahalaan?!

Nakalulungkot isipin na parang wala tayong nakikitang ganyan sa kasalukuyang administrasyon.

Mayroon din kayang himala para sa mga manggagawa?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *