Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

8-anyos birthday girl hinalay ng magsasaka

NAGA CITY – Imbes maging masaya, matinding takot ang bumalot sa kaarawan ng isang bata sa Unisan, Quezon kamakalawa.

Ito’y makaraan halayin ng isang magsasaka na hindi muna ipinasapubliko ang pangalan, ang 8-anyos biktima.

Ayon sa nakalap na impormasyon, binisita ng suspek ang biktima sa kanilang bahay sa kaarawan ng bata.

Ngunit nang magkaroon ng pagkakataon ay pinaghahalikan ng suspek ang bata at hinawakan ang pribadong bahagi ng katawan.

Gayonman, nang makaalis ang suspek, nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang.

Ayon pa sa biktima, noong nakaraang taon ay minolestiya rin siya ng suspek at pinagbantaan pang papatayin oras na magsumbong sa mga awtoridad.

Kasong rape ang inihahanda ng mga awtoridad laban sa magsasaka na nananatiling nakalalaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …