Tuesday , November 19 2024

Magkano ‘este’ paano pinakawalan si Gerry Sy!?

jerry syNITONG mga nakaraang Linggo ay madalas na namamataan ang Chinese national na si Gerry Sy na nakatambay at nagsusugal diyan sa Resorts World Manila, Solaire at City of Dreams Casino.

Kung inyong matatandaan, si Gerry Sy, ang naiulat na nasangkot sa isang eskandalo riyan sa Resorts World Manila, matapos mahulihan ng napakaraming high powered firearms and explosives na lulan sa loob ng kanyang sasakyan.

Hinuli siya ng BI Intelligence Agents pagkatapos dumalo ng hearing sa Pasay Prosecutor’s office at dinala sa Bureau of Immigration.

Matapos mapatunayan na siya ay improperly documented at may kaso pang kinahaharap sa Pasay RTC sa kasong illegal possession of firearms pati na murder ay nakulong diyan sa Warden’s facility sa BI-Bicutan detention cell.

Pero ANYARE!?

Bakit bigla na lang nakalabas at lumutang muli sa mga casino si Gerry Sy?!

Sonabagan!

Ibig bang sabihin pinayagan siyang mag-bail ng BI-OCOM sa kabila ng sandamakmak na asunto sa ating bansa?

Sino na naman kaya ang nagmaniobra riyan sa Bureau kung bakit napayagan siyang makapagpiyansa?

Magkano ‘este paano ba ang naging usapan diyan?

‘E ang info natin riyan kay Gerry Sy, sa piskalya pa lang ay milyon-milyon na ang inio-offer at hanggang noong mahuli ng Immigration para pakawalan lang siya.

What the fact!

Grabe na ang nangyayari sa sistema diyan sa BI Main Office. Ang katulad nitong si Gerry Sy na ‘high risk national’ ay hindi dapat pinapayagang makalaya nang ganoon na lamang!

Wala rin palang ipinag-iba sa BuCor ang BI na grabe kung makapagpalusot ng illegal?!

Kung sila ay sa droga, kayo naman diyan ay sa mga peligrosong tao!

Sonabagan!!!

Madam SOJ De Lima kung puwede lang po, medyo pagtuunan ninyo ng pansin ang kaso ni Gerry Sy.

Habang kayo ay abala riyan sa Mamasapano, panay naman ang paglalaro ng ilang tulisan sa Immigration na isang ahensiyang nasasakupan ninyo.

May kasabihan nga, “While the cat is away, the mice will play.”

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *