Thursday , December 26 2024

Magkano ‘este’ paano pinakawalan si Gerry Sy!?

00 Bulabugin jerry yap jsyNITONG mga nakaraang Linggo ay madalas na namamataan ang Chinese national na si Gerry Sy na nakatambay at nagsusugal diyan sa Resorts World Manila, Solaire at City of Dreams Casino.

Kung inyong matatandaan, si Gerry Sy, ang naiulat na nasangkot sa isang eskandalo riyan sa Resorts World Manila, matapos mahulihan ng napakaraming high powered firearms and explosives na lulan sa loob ng kanyang sasakyan.

Hinuli siya ng BI Intelligence Agents pagkatapos dumalo ng hearing sa Pasay Prosecutor’s office at dinala sa Bureau of Immigration.

Matapos mapatunayan na siya ay improperly documented at may kaso pang kinahaharap sa Pasay RTC sa kasong illegal possession of firearms pati na murder ay nakulong diyan sa Warden’s facility sa BI-Bicutan detention cell.

Pero ANYARE!?

Bakit bigla na lang nakalabas at lumutang muli sa mga casino si Gerry Sy?!

Sonabagan!

Ibig bang sabihin pinayagan siyang mag-bail ng BI-OCOM sa kabila ng sandamakmak na asunto sa ating bansa?

Sino na naman kaya ang nagmaniobra riyan sa Bureau kung bakit napayagan siyang makapagpiyansa?

Magkano ‘este paano ba ang naging usapan diyan?

‘E ang info natin riyan kay Gerry Sy, sa piskalya pa lang ay milyon-milyon na ang inio-offer at hanggang noong mahuli ng Immigration para pakawalan lang siya.

What the fact!

Grabe na ang nangyayari sa sistema diyan sa BI Main Office. Ang katulad nitong si Gerry Sy na ‘high risk national’ ay hindi dapat pinapayagang makalaya nang ganoon na lamang!

Wala rin palang ipinag-iba sa BuCor ang BI na grabe kung makapagpalusot ng illegal?!

Kung sila ay sa droga, kayo naman diyan ay sa mga peligrosong tao!

Sonabagan!!!

Madam SOJ De Lima kung puwede lang po, medyo pagtuunan ninyo ng pansin ang kaso ni Gerry Sy.

Habang kayo ay abala riyan sa Mamasapano, panay naman ang paglalaro ng ilang tulisan sa Immigration na isang ahensiyang nasasakupan ninyo.

May kasabihan nga, “While the cat is away, the mice will play.”

Tupada sa gitna ng basketball court (Attn: Gen. Rolly Nana)

MARAMING mga magulang at kabataan ang naghihinagpis sa pagtatayo ng  tupadahan sa mismong gitna ng basketball court sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ilang residente at mga kabataan , imbes umanong paglalaro ng basketball, dahil bakasyon, tupada ang itinayo ni Chairman Rizaldy (Andeng ) Bernabe ng Brgy. 155 Zone 14 sa Dagupan Extension sa Tondo. Ipinagmamalaki umano ng nasabing punong Barangay na may permit siya mula sa city hall at umano’y may basbas pa ng station commander.

Bukod umano sa illegal na sabong ng manok, may cara y cruz at pula’t puti (dice). Karamihan umano ng nalululong dito ay mga maliliit na mala-manggagawa gaya ng mga driver at construction workers kaya wala nang naiuuwing pera sa kanilang pamilya.

Dahil dito, nananawagan sila kay MPD-District Director , Chief Supt. Rolando Nana na agad aksiyonan ang inirereklamong tupad at mga ilegal na sugal lupa.

Para nga maipagpatuloy ng mga kabataan ang naudlot nilang paglalaro sa panahon ng bakasyon.

“Dapat naglalaro kami ng basketball, hangga’t bakasyon pero inalis sa amin ni Chairman ang aming kasiyahan, baka hindi na siya manalo sa susunod na barangay election,”pahayag ng isang kabataan sa lugar.

Signages sa Roxas Blvd. natatakpan ng mga puno (Attn: MMDA Chair Francis Tolentino)

BOSS Jerry, ako po’y rumuruta nang madalas sa Roxas Blvd. Napapansin ko lang po na ang signages sa gilid ng Roxas Blvd., at natatakpan ng mga dahon at sanga ng puno. Hindi ba ito napapansin ng Metropolitan Development Authority (MMDA)? Sana naman Boss Jerry, mapag-ukulan ito ng pansin ng MMDA. #+63917908 – – – –

Tinaasan na naman ang kalsada sa Sampaloc area

HINDI ko po maintindihan ang Department of Public Works and Highways (DPWH). Bakit lagi nilang inaayos at itinataas ang mga kalsada sa Sampaloc area kahit hindi pa naman sira? Hindi ba nila alam na kapag itinaas nila, lalalim lalo ang baha sa mabababang lugar lalo na sa UST campus?! Ang daming kalsadang dapt ayusin pero laging Sampaloc lang ang inuuna nila?! Nakakapagtaka sila masyado.

#+63932777 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *