Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Don’t get nervous, i’m excited — Pacman

041815 pacman sing

00 kurot alexDUMATING na sa Las Vegas ang Tropang Manny Pacquiao. At katulad ng inaasahan, dagsa ang kanyang fans na sumalubong sa kanya.

Maganda ang pambungad na pananalita ni Manny na ipinagbunyi ng kanyang mga fans: “Don’t get nervous. I’m excited and 100% confident.”

Well, hindi sasabihin ni Pacquiao ang ganoong klase ng paniniguro kungdi siya nasa hustong kondisyon.

oOo

Narito ang mga pananaw ng boxing fans sa labang Manny-Floyd na ipinadala thru text messages:

MAR CUEVAS ng Tambunting St., Sta. Cruz, Manila – Kay Mayweather ako. Magagawang makontrol ni Floyd ang laban dahil hindi siya makokorner ni Pacman. Magagawa niya ang pacing ng laro niya kaya mapu-frustrate ang Pinoy pug.

BOY BALATBAT ng Solis St., Tondo, Manila – Kasaysayan ng boksing ang laban ng dalawa. Tingin ko, na-solb na nina Pacman at Roach ang sekreto ng depensa ni Floyd. Malamang na sa bodega ang kahinaan ng Kanong boksingero. Kay Pacman ako via knockout.

JUANITO REYES ng Antipolo – Tama si Pacquiao. Ngayon lang matatalo si Floyd. Ibang level ang kalaban niya ngayon. Hindi niya magagawa ang laro na ginawa niya sa mga pipitsuging kalaban.

ERNING VALENCIA ng Tondo, Manila – Magaling ang Pinoy. Naniniwala ako sa kalidad ni Manny. Tatalunin niya si Floyd.

JAJA ISAAC ng Limay St., Tondo, Manila – Pupupugin ng suntok ni Manny si Mayweather. Hindi makakapagpahinga si Floyd. Mananalo si Pacquiao via KO.

PONCE GAMENG ng Oroquieta St., Sta Cruz – Mas mabilis si Pacquiao. Kaya niyang ilagan ang suntok ni Mayweather. Pero mukhang hindi kayang ilagan ni Floyd ang suntok ni Pacman.

LAKAY PACS ng Tambunting, Manila – Suportado ng Pilipinas at buong mundo si Pacquiao ng dasal, paano siya tatalunin ni Floyd?

LYN GONZALES ng Hermosa St., Tondo – Hirap si Floyd sa kaliweteng boksingero. Malamang na lumusot ang left hook ni Pacman na siyang tatapos sa kayabangan ni Mayweather.

ROLAN GONZALES ng Hermosa St., Tondo – Lamang si Manny Pacquiao pagdating sa SPEED at STAMINA. Iyon ang tatapos kay Floyd.

 

ni Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …