Aries (April 18-May 13) Ipakita sa mundo na handa ka sa aksyon. Magiging adventurous ka ngayong araw.
Taurus (May 13-June 21) Batid mo ang halaga ng pakikipag-alyansa, ngunit ngayon wala kang tiyaga rito.
Gemini (June 21-July 20) Nasa mood ka ngayon sa pakikipagkwentuhan at pakikipagbiruan. Hindi ka seryoso ngayon.
Cancer (July 20-Aug. 10) Para kang umaakyat sa isang mataas na bundok sa hinahangad mong marating, ikasasaya mo kung mararating mo ang tuktok nito.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang maliliit na hakbang ang magiging paraan upang mapalapit sa puso ng iyong minamahal, at hindi ang malalawak na pagtalon.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Maglaan ng panahon sa pagpaplano para sa iyong kinabukasan, pagbutihin ito.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Matalino ka. Kung ikaw ang lider ng grupo ngayon, maswerte ang grupo n’yo.
Scorpio (Nov. 23-29) Nagkaroon ka ng problema sa iyong boss nitong nakaraang araw, ngunit maganda ang nangyayari sa mga bagay ngayon.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Huwag nang maghintay ng permiso. Kung dapat gumawa ng mga pagbabago, gawin ito.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Panahon na para sa isang malaking desisyon. Maganda ang pananaw mo ngayon.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Kung may magaganap na party, gamitin ang iyong kakayahan upang maimbita. Ihayag ang iyong kakayahan sa bagong paraan.
Pisces (March 11-April 18) Pakiramdam mo’y mabagal ang takbo ng oras, ngunit nagaganap naman ang mga bagay ayon sa iyong hinahangad.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Gawin ang lahat upang maipokus ang iyong pag-iisip, medyo magulo ang sitwasyon.
ni Lady Dee