Saturday , November 23 2024

2 katao  itinumba sa Taguig

KAPWA binawian ng buhay ang isang lalaki at isang babae makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaking lulan ng motorsiklo kahapon ng umaga sa pumping station ng MMDA sa Taguig City.

Kinilala ang mga biktimang sina Razonilo Prudencio, 55, ng #18 Capistrano Compound, Brgy. Ibayo Tipas, at Emerita Ramos, 60, ng Lot 3-4, Block 2, HR Capistrano  St., ng nasabing barangay, kapwa ng naturang lungsod.

Base sa report na natanggap ni Sr. Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, naganap ang insidente  dakong 9:30 a.m. sa MMDA pumping station sa C-6 Road, Brgy. New Lower Bicutan  ng naturang lungsod.

Sakay ang dalawang biktima ng isang motorsiklo nang huminto para bumili ng isda.

Ngunit biglang sumulpot ang isang motorsiklo at pinagbabaril ng dalawang suspek ang mga biktima.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *