Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suman con shabu vendor laglag sa buy-bust

LAGLAG sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 7 ang isang 35-anyos suman vendor na naglalako rin ng shabu kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Nakapiit na sa nasabing himpilan ang suspek na si Analyn Tudla, ng Blk. 44, Lot 7, Sta. Maria, Bulacan.

Ayon kay Supt. Joel Villanueva, hepe ng MPD-PS7, dakong 4 a.m. nang madakip ni PO2 John Michael Belco na nagpanggap na poseur buyer, ang suspek sa Primero de Mayo St. kanto ng Molave St., Tondo sa inilatag na buy-bust operation.

Nabatid na ginagamit na front ng suspek sa paglalako ng shabu ang pagtitinda ng suman.

(LEONARD BASILIO, may dagdag na ulat sina MARY JOY SAWA-AN, DARWIN MACALLA, at JOSHUA MOYA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

POLPHIL

Suspensiyon ng fuel excise tax hiniling sa pagtaas ng presyo ng langis

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang matibay nitong suporta sa panawagan ni …

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …