Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacman makabubuting magretiro na — PNoy

022015 Manny Pacquiao pacman prayMAS  makabubuting magretiro na si People’s Champ at Rep. Manny Pacquiao makaraan makipagbakbakan kay Floyd Mayweather sa Mayo 3, ayon kay Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi kahapon ng Pangulo, nakatitiyak siyang maipagmamalaki ng mga Filipino si Pacquiao sa magiging resulta ng mega fight nila ni Mayweather.

Marami na aniyang karangalang naiakyat si Pacquiao para sa bansa at sapat na ang pagsasakripisyo ng Pambansang Kamao para sa Filipinas.

Naniniwala ang Pangulong Aquino na panahon na para ma-enjoy naman ni Pacman ang kanyang pagreretiro at pamilya imbes na engganyohin pa siyang lumabang muli sa ring.

Matatandaan, maging si Mommy Dionisia ay gusto na ring magretiro ang kanyang anak sa pagbo-boxing dahil sapat na ang mga naging laban na napagtagumpayan ng boksingero.

Rose Novenario

Pacquiao-Mayweather  fight sa Munti libre

SA nalalapit na “The Fight of The Century,” libo-libong mga residente ng Muntinlupa City ang hindi na kailangang gumastos sa pay-per-view para mapanood ang Pacquiao-Mayweather bout dahil ang pamahalaang lokal ay nag set-up ng lokasyon na walang bayad sa live telecast ng boxing match sa Mayo 3.

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, ang pamahalaang lungsod ay magkakaloob ng free viewing sa laban na walang  commercial breaks sa 10  iba’t ibang lokasyon sa naturang lungsod.

Ang Pacquiao-Mayweather fight ay mapapanood sa Muntinlupa Sports Complex, Bayanan Baywalk, Cupang Elementary School, Sucat Elementary School, Southville Elementary School, Soldier’s Hill Subd., Covered Court, Alabang Elementary School, Buli Covered Court, Filinvest Socialized Housing Covered Court, at Covered Court sa Basilan St., Maguindanao Ave., Ayala Alabang.

Sinabi ng alkalde na nais niyang magkaloob ng free viewing sa laban upang masuportahan si Manny “Pacman” Pacquiao, at idinagdag na lalahok ang Muntinlupa sa pagdarasal para sa ligtas na laban ng boksingero.

Habang ipinabatid ni Deputy Administrator Roger John Smith na walang ticketing system at ito’y  first come, first served basis.

Bubuksan ang mga gate sa venues nang mas maaga sa 6 a.m. para sa manonood ng laban ni Pacquiao at undercard matches.

Tatangkain ni Pacquiao na ma-knockout ang world’s no. 1 pound-for-pound boxer Floyd Mayweather Jr. sa gaganaping laban sa MGM Grand, Las Vegas, USA.

Manny Alcala

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

POLPHIL

Suspensiyon ng fuel excise tax hiniling sa pagtaas ng presyo ng langis

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang matibay nitong suporta sa panawagan ni …

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …