Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 holdaper tiklo sa court hearing

NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa miyembro ng Cuya robbery group at isang kasamahan habang dumadalo sa pagdinig ng kaso sa City Hall of Justice ng lungsod kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, kinilala ang mga naaresto na sina Rodolfo Lalata alyas Joel Manalo, 24, ng 13-A Sto. Cristo, Balintawak, Quezon City at Arnel Cahinhinan, 33, ng Brgy. Balingasa ng naturan ding lungsod.

Ang dalawa ay naaresto ng QCPD-Theft and Robbery Section sa pangunguna ni Insp. Alan dela Cruz, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Roberto Buenaventura, presiding judge ng QC Regional Trial Court Branch 86, sa kasong robbery in band, nang maispatan sa QC Hall of Justice Complex habang dumadalo sa court hearing dakong 10 a.m.

Tinangka pang tumakbo patakas ng dalawa nang makita ang mga awtoridad ngunit agad silang nadakma ng mga nakaantabay na iba pang tropa ng CIDU.

Nang siyasatin si Cahinhinan, nakuha mula sa kanya ang isang sachet ng shabu dahilan para ipagharap siya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Si Lalata ay itinuturong sangkot sa kasong riding in tandem, robbery hogtied at robbery holdup sa lungsod simula taon 2012, 2013 at 2014.

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …