Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bombero nagbaril sa sarili (Pagkatapos mamaril nang walang habas)

082714 police line crimePATAY ang isang tauhan ng Bureau of Fire Protection (NBP) nang magbaril sa ulo  makaraan walang habas na magpaputok ng baril sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Global Pacific Hospital ang biktimang si Gerome Buenaventura, 29, residente ng 1289 Que Grande, Brgy. Ugong sanhi, sanhi ng tama ng bala ng .9mm caliber pistol sa ulo.

Sa ulat kay Senior Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong 3 a.m. sa Bernardino St., Brgy. Ugong.

Bigla na lamang nagpaputok nang walang habas ang biktima na inawat ng misis niyang si Abigail at tatay na si Crisologo.

Salaysay ng isang vendor, inaayos niya ang kanyang paninda nang dumating ang biktima at pilit siyang pinauuwi at nang hindi siya sumunod ay pinutukan siya nang dalawang ulit ngunit hindi siya tinamaan.

Tinangka rin awatin ang biktima ng pinsan niyang si Joie Batimana ngunit biglang itinutok ni Buenaventura ang baril sa sentido at ipinaputok ito.

Isinugod ang biktima sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan nang pagwawala ng biktima bago nagpakamatay.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …