Friday , January 10 2025

Recall election sa Bulacan  tuluyang ibinasura

TULUYAN nang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang ikinakasang recall election para palitan si Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado. 

Sa 16-pahinang omnibus resolution, ipinaliwanag ng Comelec ang dalawang pangunahing punto kung bakit hindi matutuloy ang isinusulong na recall election. 

Una, kapos ang 138,506 beripikadong pirma para patunayan ang kagustuhan ng mga Bulakenyo na palitan si Alvarado. 

Batay sa Sec. 6 ng Comelec Resolution 7505, kinakailangang makakalap ng 183,070 pirma o 10-porsyento ng kabuuang bilang ng mga botante sa Bulacan. 

Bagama’t umabot sa 319,797 ang naunang isinumiteng bilang ng mga pirma, lumabas na 181,201 dito ay hindi valid. 

Ikalawa, iginiit ng Comelec na kulang na sa oras para magsagawa pa ng recall election. 

Batay sa Section 74 ng Local Governmment Code, ipinagbabawal ang pagsasagawa ng recall election isang taon bago ang papalapit na halalan. 

Dahil magkakaroon ng national elections sa Mayo 9, 2016, lahat ng recall election ay dapat isagawa bago ang Mayo 8, 2015.

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *