ZAMBOANGA CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa pamamaril sa highway ng Purok Upo, Brgy. Balintawak sa Pagadian City na ikinamatay ng isang court sheriff habang kritikal ang isa pang empleyado ng local government unit ng lungsod kamakalawa.
Ayon sa report ng Pagadian City Police Station, kinilala ang namatay na si Manuel Gabawan, 60, nagsisilbing Sheriff Officer ng Regional Trial Court, Branch 22, Pagadian City.
Habang naka-confine sa ospital si Joselito Tenajeros Jr., 32-anyos.
Nabatid na nakasakay sa isang motorsiklo ang dalawang biktima dakong 8 p.m. nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek.
Hindi pa masabi ng pulisya kung may kaugnayan sa kanilang trabaho ang insidente.