Saturday , November 23 2024

Feng Shui: Full glass front doors

00 fengshuiANG full glass front doors ay maaaring magpresenta ng feng shui challenge sa tahanan at sa negosyo (lalo na sa maliit na negosyo. Gayonman, ito ay very general statement dahil ang kompleto at wastong kasagutan ay depende sa maraming detalye ng pagkakatatag nito.

Sa feng shui – sa tunay, at wastong feng shui na talagang epektibo, kailangan ikonsidera ang lahat ng mga detalye na nakapaloob sa specific issue o erya na nais mong mapagbuti, o ikaw ay nangangamba.

Kung ikaw ay regular reader, batid mo ang power at kahalagahan ng strong feng shui front door. Bilang

“Mouth of Chi”, ang enerhiya sa paligid ng front door ay higit na nakaiimpluwensiya sa kalidad ng enerhiya na pumapasok sa bahay (o negosyo).

Kailangan ng strong, powerful and balanced front door para makahikayat at maipamahagi, sa tulong ng smart feng shui design sa main entry – ang pinamagandang kalidad ng chi, o universal energy. Kung ang inyong space ay may sapat na potent chi, makikinabang dito ang iyong kalusugan at lahat ng erya ng iyong buhay.

Ang front doors ay nakikita rin bilang powerful protectors, sa energy level, dahil ang front door ang main threshold sa pagitan ng outer world at inner world.

Sa full glass front doors, ang pangunahing concern ay ang kahinaan ng pintuan. Ito ay see-through door, kaya ang bahay ay walang proteksyon sa ano mang kalidad ng enerhiya na maaaring pumasok – good, bad, in-between, etc.

Ang sino man ay maaaring sumilip sa loob ng inyong bahay, na hindi very good feng shui.

Kaya para sa full glass front door na walang suporta katulad ng strong walls sa palibot nito, smart exterior landscaping, powerful main entry design, o may full glass back door na direktang naka-align dito, ito ay tiyak na bad feng shui front door.

Habang ang full glass front door na suportado at pinatitibay ng lahat ng design elements sa palibot nito ay maaaring magbuo ng at least neutral feng shui.

 

ni Lady Dee

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *