Saturday , April 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Douthit babalik sa Blackwater

042015 marcus douthit blackwater

LALARO uli si Marcus Douthit para sa Blackwater Sports sa darating na PBA Governors’ Cup na magsisimula sa Mayo 5.

Sinabi ng team owner ng Elite na si Dioceldo Sy na babalik si Douthit sa kanyang koponan pagkatapos ng kanyang paglalaro sa Sinag Pilipinas na sasabak sa SEABA at Southeast Asian Games na parehong gagawin sa Singapore.

Nag-average si Douthit ng 22.0 puntos, 14.4 rebounds at 3.1 na supalpal para sa Blackwater sa PBA Commissioner’s Cup kung saan ginulat ng Elite ang San Miguel Beer at Meralco kahit hindi sila nakapasok sa playoffs.

Tungkol sa Asian import, sinabi ni Sy na maghahanap siya ng kapalit pagkatapos na hindi payagan si Liu Cheng ng Chinese-Taipei na maglaro sa PBA dahil hindi siya binigyan ng release papers ng Taiwan Beer sa Super Basketball League (SBL).

(James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Philippine Rowing Association 2026 PRA Indoor Meet

Local rowers nagpakitang-gilas sa 2026 PRA Indoor Meet

MAYNILA, Pilipinas — Matapos ang dalawang araw ng matinding kompetisyon, pinarangalan ng Philippine Rowing Association …

Joanie Delgaco rowing

Pag-unlad ng rowing sa Pilipinas Ikinagagalak ni Joanie Delgaco

MAYNILA, Filipinas — Ipinahayag ng kauna-unahang Filipinang Olympic rower na si Joanie Delgaco ang kanyang …

ACC Track Para Track Championships Tagaytay Velodrome Cycling

Big Guns Namayani sa Tagaytay, Pinoy Riders, Todo Kayod

TAGAYTAY CITY — Umani ng atensyon ang mga top cyclist sa Asia matapos rumatsada ang …

PABA Rodolfo Boy Tingzon TOPS

PABA at PSC, Magtatayo ng Baseball Center

MALAPIT nang maisakatuparan ang isang inaasam na  “field of dreams” para sa Philippine baseball. “If …

Shark Billiards Association SBA Next Hadley Mariano George

Kinabukasan ng Bilyar sa Pilipinas: SBA Next at Opisyal na Network ng Pool Hub

OPISYAL na inilunsad ng Sharks Billiards Association (SBA) ang SBA Next, isang liga para sa …