Tuesday , November 19 2024

Karagdagang pangil sa no arrests on Fridays, Saturdays & Sundays

uphold press freedomNANAWAGAN po tayo sa mga kinauukulan lalo na sa Kamara at Senado na pabilisin ang decriminalization ng libel law na kung hindi tayo nagkakamali ay nakabinbin sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Matagal na po itong nakabinbin.

Kung hindi naman ito agad maide-decriminalize, kailangan pong magkaroon ng batas na nagpapataw ng parusa sa law enforcers na lalalabag sa Department of Justice (DoJ) memorandum na hindi dapat mang-aresto sa mga araw ng Biyernes, Sabado at Linggo  lalo na kung ang kasong kinasasangkutan ay hindi naman karumal-dumal gaya ng Libel.

Ilang mga dating mamamahayag na rin ang nasa Kamara at Senado ngayon pero nalulungkot tayo na hindi gumagalaw ang panukalang batas na napakaraming mambabatas ang co-author.

Importante po sa media practitioner ang batas na ito dahil kung hindi made-decriminalize ang libel patuloy po itong gagamtin na instrumento ng pandarahas sa aming hanay.

Hindi na po ako lalayo ng halimbawa. Naranasan ko na pong maaresto, isang araw ng Linggo, Easter Sunday pa at sa harap mismo ng aking mga anak. Alam kung mali ang ginawang pag-aresto sa akin at kaya kong igiit ang aking karapatan pero iniisip ko nga ang aking mga anak.

Pero nagkaroon ako ng realisasyon na dapat ay iginiit ko dahil mayroong mga alagad ng batas na hindi naiintindihan kung ano ang kanilang ginagawa.

Gaya nga nitong mga umaresto sa akin na pinangungunahan ni Warrat & Subpoenma Section head, S/Insp. Salvador Tangdol.

Noong sinabi kong bawal ang manghuli sa araw ng linggo, aba ‘e sinabi sa akin na nag-comply na raw sila sa ‘requirements.’ Nakipag-coordinate na raw sila sa tanggapan ng isang media organization sa Intramuros.

Ganoon ba ‘yun?

Kapag nakipag-coordinate na sa media organization ‘e pwede nang hulihin ang mamamahayag na may kasong libel kahit araw ng Biyernes, Sabado at Linggo?!

Kapag napatunayang lumabag ang mga law enforcers, ganoon lang?! Wala kaparusahan ang paglabag?!

Isa ‘yan sa dahilan ng pang-aabuso sa sitwasyon. Dahil walang deterrent sa nasabing paglabag, paulit-ulit nilang ginagawa.

Pero kung magkakaroon ng batas na nagpaparusa sa ginawang paglabag sa Memorandum ng DOJ tiyak kahit paano, mababawasan ang pandarahas sa mga mamamahayag.

Anong ahensiya o sangay kaya ng pamahalaan ang unang aaksiyon pabor sa mungkahi nating ito?!

Paging DOJ!

Paging Senate and House of Representatives!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *