Tuesday , November 19 2024

BIFF umatake agad

Dear Mr. Yap:

‘Yong ipinadala kong sulat kahapon (16 April 2015) hinggil kay Kumander Bungos, bagong lider ng BIFF ay hindi nagkamali ang aking sapantaha na magpaparamdam talaga ng puwersa si Kumander Bungos.

Sinalakay nga ng BIFF sa pamumuno ni Kumander Bungos ang Ist Mechanized Brigade ng Philippine Army sa Barangay Kabingi, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao noong 15 Abril, 2015 sa ganap na ika-10:00 ng gabi.

Isang araw pa lamang ang nakalipas nang pumanaw si Kumander Kato.

Mayroong katiyakan na magpapakitang-gilas ang bagong kumander. Susunod-sunurin niya ang pag-atake sa mga himpilan ng Philippine Army.

Kaya nararapat lamang na maghanda ang mga detachments ng Philippine Army.

Mabuti na lamang sa pagsalakay nila ay walang napaslang na nilalang sa magkabilag panig.

Maraming problema talaga ang ating pulisya at military sa seguridad ng ating lipunan. Bukod sa BIFF, meron pang NPA, MILF at MNLF at iba pang mga armadong grupo na naglipana sa ating bansa.

Ano mang oras ay nag-aantay lamang sila ng oportunidad na sumalakay. Bigyan natin ng sapat na suporta ang ating mga pulis at sundalo sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga modernong armas at mga balang magagamit at higit sa lahat huwag silang gutomin at kailangan maging malakas at malusog sila sa pakikipaglaban sa mga anay ng lipunan.

Ito man lang ay maibahagi natin sa kanila.

Agapito A. Salandan

Maitum, Sarangani

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *