Monday , December 23 2024

Pangalan ni Iqbal inilantad ni Cayetano (Nakatala sa court at school records)    

INILANTAD nitong Huwebes ni Senador Alan Cayetano ang aniya’y tunay na pangalan ni Mohagher Iqbal sa pamamagitan ng ipinakita niyang mga dokumento.

“Ang tunay niyang pangalan ay Datucan M. Abas,” sabi ng senador.

Ito aniya ang makikita sa DILG circular na naglalaman ng safe conduct pass o pag-aalis ng arrest warrant.

Makikita rin aniya ito sa records ng Manuel L. Quezon University kung saan nagtapos si Iqbal noong 1969.

Sa kaso sa pagpapasabog sa Sasa Wharf at Davao Airport, kasamang nakasuhan at naisyuhan ng warrant of arrest si Iqbal.

“Ang nilagay po du’n ay Datucan Abas Mogagher Iqbal,” detalye ni Cayetano.

Sinuportahan ito ni Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Rueda Acosta sa pagsasabing kasama si Iqbal sa inihain nilang motion for reinvestigation taon 2003-2004 nang tulungan nila ang MILF na napagbintangan sa naturang pambobomba.

“Kami po ang nagpa-lift ng kanilang mga warrants of arrest especially the officers… Meron isang Mogagher Iqbal. Bale ang pangalan niya du’n ay Datucan Abas pero dinudugtungan po ‘yun na Mogagher Iqbal,” sabi ng abogada.

Pareho aniyang nagamit ang dalawang pangalan. May dokumentong gamit magkahiwalay ang Datucan Abas at Mogagher Iqbal at mayroon ding magkasama ito.

Dagdag ni Acosta, batid ng MILF leadership ang paggamit ni Iqbal ng pangalang ito at normal lang aniyang maraming pangalan ang isang Muslim.

Sa kasong ito, napawalang-sala ang pamunuan at miyembro ng MILF nang dalhin sa DOJ.

Dagdag ni Cayetano, hindi ang tunay na pagkakakilanlan ang isyu kundi ang tiwala. “Wala kasing transparency so di natin malaman kung sinong kausap natin… Trust and transparency come together,” dugtong niya.

Sa kabilang dako, tumanggi si Iqbal na kompirmahin o hindi ang pinakahuling lumabas na pangalan. Tikom din siya sa impormasyong nakuha sa MLQU at sa court records.

Paliwanag ni Iqbal, komplikado ang usapin ng pagbanggit ng pangalan at maraming kailangang isaalang-alang. 

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *