Aries (April 18-May 13) Mainam ang araw ngayon sa pagpapasimula ng paggawa ng bagay na iyong nais agad matapos.
Taurus (May 13-June 21) Medyo mapipikon ka sa pagkakamali ng iba – ngunit wala naman itong kaugnayan sa iyo.
Gemini (June 21-July 20) Maaaring tumanggap ka nang higit pa sa iyong makakaya. Humingi ng tulong kung nahihirapan sa mga gawain.
Cancer (July 20-Aug. 10) Bagama’t kailangan ka sa trabaho o sa komunidad, maaaring kailangan mong maglaan ng panahon at enerhiya sa inyong bahay ngayon.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Magiging masaya ang araw ngayon – nakakalat ang iyong social energy at makatutulong sa iyo sa halos lahat ng iyong interactions.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Mainam ang araw ngayon sa malalimang diskusyon. Makagagawa ka ng desisyon na singhalaga ng buong buhay mo.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Mahalaga ang pagiging balanse. Kung wala ito, babagsak ang mga bagay.
Scorpio (Nov. 23-29) Subukang pagbigyan ang kahilingan ng isang kasama. Maaaring makabuti ito para sa inyong dalawa.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ang buhay ay maaaring maging masaya – at may mga araw katulad ng ngayon na halos ay ganito rin ang nararamdaman ng mga tao sa iyong paligid.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ituon ang lahat ng iyong considerable energy sa trabaho, at may makikita kang wide-open horizons.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Subukang magpakita ng kaunting kabutihan sa isang tao, o lapitan ang taong hindi mo man lamang pinapansin.
Pisces (March 11-April 18) Mahalaga ang balanse. Balanse ba ang iyong diet? Ang iyong pagtulog?
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Nakatatayo ka ba sa isang paa lamang? Paghandaan ang mga problema sa trabaho o sa bahay – lalo na sa mga taong nakakasama mo.
ni Lady Dee