Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis todas, 5 pa sugatan sa shootout

112514 crime scenePATAY ang isang pulis habang sugatan ang tatlo niyang kabaro at dalawang bystander nang makabarilan ng mga awtoridad ang apat kalalakihan sa operasyon kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center si PO1 Julius Mendoza sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo. Habang ginagamot sa Chinese General Hospital sina PO2 Aldeen Legazpi, PO1 Isaac Orellanes at PO1 Rolando Cruz, pawang mga miyembro ng Navotas City Police.

Sugatan din ang dalawang bystander na sina Ronaldo Gutierrez, 33, at Fernando Sevilla, 37, kapwa ng nasabing lugar.

Sa impormasyon mula kay Northern Police District (NPD) director, Chief Supt. Jonathan Ferdinand Miano, dakong 11:30 p.m. nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Intelligence Division ng Navotas City Police hinggil sa pinagkukutaan ng ilang most wanted person sa loob ng Market 3, Navotas Fish Port Complex, Brgy. North Bay Boulevard North ng nasabing lungsod.

Pagpasok ng mga awtoridad ay sinalubong sila ng bala ng mga suspek na kinabibilangan nina alyas Puti Valdez, Awing Mendoza, Wawang, at Itong, sinasabing kabilang sa mga pinaghahanap ng batas.

Inimbitahan ng mga awtoridad ang 45 katao sa lugar kabilang sina Angelito Castro alyas Itong, 36, at Juan Batobalonos alyas Wawang, 23, kapwa residente ng Market 3 ng nasabing barangay, positibong kinilala ng mga pulis na siya nilang nakasagupa sa lugar.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …