Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Linta natagpuan sa lalamunan ng bata

Kinalap ni Tracy Cabrera

041515 linta

NABIGLA ang ilang doktor sa Tsina makaraan ang nakababahalang diskubre habang ginagamot ang isang batang lalaki sa pananakit ng kanyang lalamunan.

Dinala si Xiabo Chien ng kanyang ina sa isang doktor sa Sichuan Province matapos magreklamo ang bata ng pagkahilo sanhi ng kanyang sore throat.

Nang suriin ng mga doktor ang 11-anyos binatilyo, natagpuang nakakabit sa kanyang respiratory tract ang pitong sentimetrong linta.

Napagalaman na nalulon pala ni Xiabo ang linta nang walang kaalam-alam habang umiinom mula sa isang timba ng tubig na kanyang nakita sa tabi ng kalsada.

Hindi makapaniwala ang ina ng batang si Xiang Tung nang ipagbigay-alam sa kanya ng mga doktor ang sanhi ng sakit ng kanyang anak.

“Noong una akala namin may trangkaso lang siya dahil nga nahihilo siya at namamaga rin ang kanyang lalamunan,” salaysay ni Xiang sa CEN.

“Hindi rin niya sinabi sa amin tungkol sa pag-inom niya ng tubig kaya wala ka-ming iniisip na may nakuha siya na kung ano,” dagdag ng babae.

Matagumpay naming naalis ang linta at mabilis naman ang naging recovery ng binatilyo.

“Hindi na ako ulit iinom sa timba ng tubig,” pahayag ni Xiabo.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …