Monday , December 23 2024

IFJ, NUJP nakiramay sa pamilya ni Magsino

mei magsino2NAGPAHAYAG ang International Federation of Journalists (IFJ) at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ng pakikiramay kaugnay sa pagpatay sa dating journalist sa  Batangas City.

Si Melinda Magsino-Lubis, 41, dating correspondent ng Philippine Daily Inquirer sa Batangas, ay nakatanggap ng death threats noong 2005 makaraan niyang iulat ang naganap na korupsiyon na kinasakutan ni Batangas Governor Armando Sanchez.

Si Magsino ay binawian ng buhay makaraan barilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo.

Kasunod ng death threats noong 2005, nagbitiw si Magsino sa  Philippine Daily Inquirer. Sa sumunod na taon nagtrabaho sa  Philippine Centre for Investigative Journalism at sa TV5, gayondin ay nagsimula ng blog (southernluzoninquirer. blogspot.com) kasama ng ilang Batangas journalists, ang pinakahuling post ay noong Setyembre 2014.

Nitong nakaraan ay hindi na naging aktibo si Magsino sa pagbabalita, ngunit nanatiling aktibo sa social media sa pagkomento sa mga isyu ng lipunan bago siya binawian ng buhay.

Hindi pa malinaw ang motibo sa pagpaslang kay Magsino.

Sinabi ni Dabet Panelo, NUJP project coordinator, “If future details reveal that Magsino’s death involved her former work as a journalist, she will be the second journalist killed this year.”

Habang sinabi ni IFJ Asia Pacific acting director, Jane Worthington, “The IFJ offer its condolences to the family and colleagues of Melinda Magsino-Lubis who was murdered in bold blood. This senseless murder highlights the challenges facing journalists across the Philippines.”

Nanawagan ang IFJ at NUJP sa mga awtoridad para sa masusing imbestigasyon sa kaso at panagutin ang mga responsable sa krimen.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *