Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

So pinagpag si Kamsky

ni ARABELA PRINCESS DAWA

041415 chess wesley so Gata Kamsky

BUMAWI si GM Wesley So sa 10th at penultimate round ng 2015 U.S. Championship sa Saint Louis USA matapos ma forfeit ang laro niya sa round 9.

Kinalos ni 21-year old So si defending champion GM Gata Kamsky (elo 2683) matapos ang 56 moves ng Queen’s Pawn Game.

Nakaipon si world’s No. 8 So (elo 2788) ng 5.5 points upang upuan ang fourth spot sa event na may 12-player at ipinatutupad ang single round robin.

Nahimasmasan ng bahagya si So matapos ang nakalulungkot na pagkatalo nito kay GM Varuzhan Akobian dahil na-forfeit ang laro ng Pinoy nang magreklamo ang huli.

Inangal ni Akobian (elo 2622) sa arbiter ang pagsusulat ni So sa isang papel.

Kinausap na si So at binigyan ng dalawang warning kaya naman sa pangatlo ay nagdesisyon ang chief arbiter na si Tony Rich na itigil ang laban at ibigay kay Akobian ang panalo.

Samantala, mag-isa pa rin sa unahan si top seed GM Hikaru Nakamura (elo 2798) hawak ang 7 pts. matapos makipaghatian ng puntos kay GM Ray Robson sa 30 sulungan ng Four Knights Game.

Hawak ni Robson ang pangalawang puwesto tangan ang 6.5 points habang nakaupo sa pangatlo si GM Alexander Onischuk (elo 2665).

Makakatunggali ni So sa 11th at last round si GM Kayden Troff (elo 2532) na tumabla kay GM Timur Gareev.

Si Troff ay kasalo nina Kamsky at Akobian sa fifth to seventh places na may tig limang puntos.

Makakalaban ni Nakamura si Onischuk habang katapat ni Robson si Gareev.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …