May nangyari na sa amin ng BF ko, kaya lang meron na siyang asawa at anak. Hindi ko rin alam kung sino ang pipiliin niya sa aming dalawa. Magkaka-baby na rin po ako at hindi ako sure kung pananagutan n’ya ba ako o hindi. Sabi niya kasi ayaw n’ya na sa kanyang asawa at hindi naman sila kasal. Ano po ba ang dapat kong gawin, ipaglalaban ko ba siya? Sherrine of Batangas
Sa iyo Sherrine,
Kung may ipaglalaban ka ba, bakit hindi? Kung magiging masaya ka ba na maagaw mo ang iyong BF sa kanyang pamilya, go! Pero esep-esep din, malay mo masaya naman ang pamilya ng iyong BF at nakakakonsensiya namang guluhin. Minsan, mas magaan sa pakiramdam kung ang isang pagkakamali ay agad lagyan ng tuldok. Feeling ko kasi, maging ‘yang BF mo ay hindi naman talaga alam kung ano ang kanyang gagawin. Kaya kaysa naman mag-expect ka at masaktan, bakit hindi ka na lang magsimula kaya—kasama ang iyong magiging anak.