Saturday , January 4 2025

Mga bayani ng Bataan nasaluduhang muli (30th Araw ng Kagitingan Ultra-Marathon)

ni Henry T. Vargas

041415 Bataan Kagitingan Ultra Marathon

TANGAN nina SAFE RUNNERS of San Fernando, Inc. Organizer Ed Paez (kanan) at Champion runner Phil Army Cresenciano Sabal ang simbulikong sulo para sa pagsisimula ng salit-salitang  takbuhan na sinimulan sa Mariveles Bataan patungo ng Lubao Pampanga.at didiretso ng Sto. Nino San Fernando, Kaalinsabay ng pagdiriwang ng 30th Arawa ng Kagitingan Ultra Marathon Tribute to World War II Veterans. (HENRY T. VARGAS)

HINDI naging sagabal ang samot-saring problemang inabot ng kaganapang sumasaludo sa kabayanihan ng mga Bataan War Patriots, nang kanilang matapos ang salit-salitang pagtakbo sa nakaririmarim na 1942 Death March Trail ng Gitnang Luzon nitong nakaraang araw.

Pamoso sa tawag na 30th ARAW NG KAGITINGAN ULTRA-MARATHON (A Tribute To World War II Veterans), ang hindi pang-kumpetisyong salit-salitang takbo sa naturang ruta, na walang registration fee o butaw sa mga kalahok, ay siyang pinakamatanda at pinakamahabang distansiyang takbuhang may habang 114-kilometro sa bansa, na inalpasan sa Death March Kilometer Post 0 Marker ng Mariveles, Bataan.

Si Mariveles Mayor Jesse Concepcion at Veterans Federation of the Philippines (VFP) Post Commander Peregrino Divinagracia, ang naging punong abala sa naturang bayan ng taunang patakbong nagsimula sa pamamagitan ng isang payak na programang naroon din ang mga kasapi sa Sons & Daugthers ng mga Bayani.

Pagkasindi ng isang simbolikong sulo, ipinasa ito kay event founding organizer Ed Paez, na itinakbo ng kaniyang grupong Safer Runners of San Fernando, Inc., kasama ang Team Army, TRADOC, Sta. Rosa City Runners ng Laguna, Runners Plus, Tarlac City Team, Mariveles RC at iba pang bumubuo sa may 200 kalahok.

Dumaan ang mga namamanatang mananakbo sa Isang siyudad at walong bayan ng Bataan, sa unang araw, na kung saan nagpalipas ng magdamag ang mga ito sa Lubao Gymnasium, sa paglatag ng pulang alpombra ng mag-iinang sina Pampanga Gov. Lilia Pineda, Vice-Gov. Dennis Pineda at Lubao Mayor Mylyn Cayabyab, sa mga bisita.

Dahilan sa pag-agapay ng angkang Pineda, kasama ang MILO Energy Drinks, UNILAB Active Health, MAYO Productions, Inc., PAMPANGA’s BEST, ALICE Bakery & Grocery, WESCOR Transformer Corp., EXCELLENT Noodles, Isport BOTAK, e-ventologists, co., F.M. Ringor Engineering / AdEvents, BFAR Gitnang Luzon at iba pa, naging matagumpay ang naiibang uri ng parangal sa mga Bayani ng Bataan.

Kinabukasan, tinahak naman ng mga namamanatang mananakbo ang ruta patungong Guagua, at nag-Visita Iglesia pa sa San Guillermo Church ng Bacolor ni Mayor Jomar Hizon, bago dinaanan ang daang patungong istasyon ng tren sa Brgy. Sto. Nino ng Ciudad de San Fernando.

Sa makasaysayang lugar na ito nagtapos ang unang bahagi ng takbo sa Bataan-Pampanga, kasama sina City Mayor Edwin Santiago, at ilang buhay na Bayani, ang mga panlalawigan at pang-lungsod na opisyales.

 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *