Monday , December 23 2024

DOJ dapat makialam — Kit Tatad (Sa pag-aresto kay Yap)

kit tatadISANG malalang paglabag sa pundamental na karapatan sa pamamahayag ang ilegal na pagdakip ng Manila Police District (MPD) kay dating National Press Club (NPC) president, Alab ng Mamamahayag (ALAM) chairman, at hard-hitting journalist Jerry Yap dahil sa kasong libel kamakailan.

Sa isang esklusibong panayam kahapon ng Hataw, sinabi ni dating Information Minister, veteran journalist at dating Sen. Francisco “Kit” Tatad, ang ilegal na pag-aresto kay Yap hindi dapat ipagwalang bahala ng mga kinauukulan, lalo na ng Department of Justice (DoJ).

“Sa panahon ng diktadura o demokrasya man, ang pamamahayag ang pinakamataas na karapatan hindi lang ng mamamahayag kundi maging ng pangkaraniwang tao. Sana’y huwag itong ipagwalang bahala ng mga kinauukulan, lalo na ng DoJ,” ani Tatad.

Kaugnay nito, nagbabala si Yap na nanganganib at maaaring tuluyang mawala ang press freedom kung hindi magkakaisa ang lahat para labanan ang mga elementong nagtatangkang sirain ang kalayaang ito.

Kaya sa ginanap na press conference sa Aristocrat Restaurant sa Malate, Manila ay  nanawagan ang dating NPC president sa mga mamamahayag na bantayan at ipaglaban ang tinatamasang kalayaan sa pamamahayag kasunod ng ilegal na pag-aresto sa kanya noong Abril 5, Easter Sunday sa NAIA Terminal 3.

“Hindi tayo padadaig sa mga pananakot. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagsalig sa katotohanan higit na mapag-aalab natin ang tinatamasang kalayaan sa pamamahayag,” dagdag ni Yap.

Ang pagdakip kay Yap ay nauna nang kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), International Federation of Journalists (IFJ) at College Editors Guild of the Philippines (CEGP) dahil ito’y malinaw na pag-atake sa press freedom.

Ganoon din ng mga veteran journalist na sina Ka Satur Ocampo at  dating Press Secretary Rod Reyes.

Giit ng NUJP, dapat imbestigahan ang MPD dahil paglabag sa Memorandum of Agreement (MOA) ng Philippine National Police (PNP) at media groups ang illegal na pagdakip kay Yap.

 ”The arrest of Jerry Yap is an attack on press freedom and an attempt to intimidate and silence him. The manner in which his arrest took places highlights the issues facing journalists in the Philippines who are not supported by the authorities in their role and job,” sabi ng IFJ Asia-Pacific office.

Noong Oktubre 2011 pa idineklara ng United Nations Human Rights Committee (UNHCR) na ang “criminal sanction” sa kasong libel sa Filipinas ay “excessive” at paglabag sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) kaya’t hiniling sa Philippine government na repasohin ang libel law.

Kinompirma ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na nakabinbin pa rin sa Revision of Laws sa Kongreso noon pang Hulyo 2013 ang House Bill 1324 o An Act Decriminalizing Libel na inihain ng Makabayan bloc.

Bukod kay Yap na kasalukuyang, publisher/columnist ng HATAW  at co-anchor ng radio program na KATAPAT, kabilang sa sinampahan ng kasong libel si Gloria Galuno, managing editor; Edwin Alcala, circulation manager ng pahayagang HATAW at Beck Rodriguez ng Police Files.

Samantala, ika-10 araw mula nang arestohin si Yap, wala pa rin inilalabas na pormal na pahayag ang pamunuan ng NPC kaugnay sa haya-gang paglabag na ginawa ng MPD sa MOA partikular sa pag-arestong ginawa sa araw ng Linggo at nagkataong Linggo ng Pagkabuhay. 

J. Sinocruz/ R. Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *