Sunday , December 22 2024

Mayroon pa bang Press Freedom?

defend press freedomWALA pong layunin manakot ang kolumnistang ito, pero sasabihin ko po sa inyo na dapat tayong mag-ingat lalo na kung ang demonyo ay napapalamutian ng  ensigna, uniporme at dokumentong wala tayong panahon para kompirmahin kung tama.

Sinasabi ko ito dahil sa isang masamang karanasan nitong Easter Sunday.

Inipit (as in sandwich) ako ng mga pulis na nagpakilalang sina S/Insp. Salvador Tangdol, PO3 Alvin Alfaro, PO2 Teraña, at dalawang John Does sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) terminal 3 nitong Abril 5 dahil mayroon daw akong warrant of arrest sa kasong Libel na isinampa ng isa pang pulis-MPD.

Nagulat ako. Una, dahil bago magbakasyon ay ipina-check namin kung may resolusyon na ang kasong iyan. Wala pa. Kaya nagugulat talaga kung paanong nakapaglabas agad ng warrant.

(Sa susunod po ‘yan ang tatalakayin namin, kung paanong sumampa ang kaso at nalabasan kami ng warrant of arrest kahit hindi dumaan sa tamang proseso).

Ikalawa, nagulat ako, dahil araw ng Linggo at nagkataong Easter Sunday pa, bakit mayroong nang-aaresto?         

Upang hindi matakot ang aking mga anak na kasama ko noon, minabuti kong sumama sa mga unipormadong lalaki lalo’t nagpakilala sa akin ang kanilang hepe na si Tangdol.

Bukod sa aking pamilya at mga staff, ang unang nagpakita ng suporta laban sa pag-aresto sa inyong lingkod sa ngalan ng pagtatanggol sa memorandum of agreement (MOA) ng Philippine National Police (PNP) at media groups ay National Union of Journalists of the Philippines (NUJP).

Naniniwala ako na hindi ito suportang personal ng NUJP, kundi pagkondena sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga pulis, pambabastos sa MOA at direktang pag-atake sa press freedom.

Ganoon din ang                international media watchdog group na International Federation of Journalists (IFJ) na mariing kinuwestiyon ang pang-aaresto ng mga tauhan ng MPD sa araw ng Linggo.

Sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP), kay Ka Satur Ocampo, isang beteranong mamamahayag at kay Press Secretary Rod Reyes.    

Talagang na-overwhelm po ako sa suportang ipinakita ninyo sa pagkondena sa malalang pag-atake sa press freedom.

Itinuturing ko itong malala dahil sa ipinakikitang indikasyon nang tahasang pagyurak sa ating karapatan bilang mamamahayag.

Higit itong nakatatakot kaysa bala ng isang baril, dahil harap-harapan nilang binabaluktot ang katotohanan, walang kurap sa pagsisinungaling, sabi nga ng matatanda.

Nalulungkot lang tayo, na mayroon tayong mga kabaro na hindi na nga sumuporta o tumulong ay namemerhuwisyo pa.

Imbes ipagtanggol ang MOA ng PNP, NUJP, KBP at PPI, sila pa mismo ang nagsasabing revoke na raw ‘yan.

Hello, kailan pa, na-revoke ‘yan?

Hindi man lang ninyo ‘naikuwento’ sa mga miyembro na wala na palang MOA?!

At ‘yun mismo ang tanong, wala na bang MOA?! At kung wala nang MOA, wala na bang PRESS FREEDOM?!

 Habang isinusulat natin ang kolum na ito, isang PM ang natanggap natin na nagpapakita kung paano pinaninindigan ng isang media organization na wala umanong mali sa ginawang pag-aresto sa inyong lingkod ng mga kagawad ng MPD Warrant & Subpoena Section.

Ngayong araw po, kami ay magsasagawa ng press conference para kondenahin ang pag-aresto at ihayag kung ano ang ginawa naming mga protective measures laban sa pisikal na pag-atake sa inyong lingkod (pero mayroon pa rin pong mga banta).

Ginagawa po namin ang mga protective measures na ito, hindi lang para sa akin, kundi para sa lahat ng mga kasama natin sa pamamahayag lalo na ‘yung mga walang kakayahang lumaban sa legal na aspekto at hindi agad makapagpipiyansa kapag naaresto.

Lilinawin ko po, hindi komo nakipag-ugnayan sa media organization ang pulisya ay maaari na nilang arestohin ang isang akusado.

Dapat po silang makipag-ugnayan sa media organization para ipaalam na sila ay may kasong kinakaharap at binibigyan ng pagkakataong makapagpiyansa. Hindi po ibig sabihin ng paki-kipag-ugnayan ‘e ‘HULIHIN’ agad ang subject.

Ito po ay napagkasunduan ng pulisya at media organizations nang sa gayon ay mapangalagaan ang personahe laban sa pang-aabuso sa partikular, at PRESS Freedom sa kabuuan.

Malinaw po na ang media organizations ay dapat manindigan lalo kung may atake sa kanilang miyembro.

Isa lang po ang ipinagpapasalamat ko sa insidenteng ito… The EVILS exposed themselves.

Magandang araw po.

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *