Monday , December 23 2024

200K bakanteng posisyon sa gov’t agencies

government agenciesIBINULGAR ni House Deputy Minority Leader at LPGMA Party List Rep. Arnel Ty, libo-libo pang bakanteng posisyon sa gobyerno ang ‘di napupunan habang milyon-milyong mamamayan ang istambay lang.

Ayon sa mambabatas, karamihan sa nasabing bakanteng posisyon ay para sa public elementary at high school teachers sa kabila na napakaraming mga lisensiyadong guro ang walang trabaho.

Lumalabas pa sa datos, karamihan sa registered teachers ay napilitang pumasok sa private schools na may sahod lamang na P7,000 kada buwan na lubhang napakaliit.

Base sa ulat na galing sa Department of Budget and Management (DBM), tumaas ang bilang ng unoccupied positions sa iba’t ibang ahensiya nang 188,388 ngayon taon mula sa 154,019 noong 2013.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 12.4 milyong adult Filipinos ang walang trabaho sa ika-apat na bahagi ng 2014, o unemployment rate na 27%.

Habang ayon sa ibang survey, nasa 18% ang walang trabaho na pawang college graduates at young professionals, na 18 hanggang 34 anyos.

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *