‘Oplan Dukot Bagahe’ nakatimbog ng 6 luggage thieves sa NAIA
Jerry Yap
April 12, 2015
Opinion
INILUNSAD na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang ‘Oplan Dukot Bagahe’ para sa puspusang kampanya laban sa mga ‘luggage thieves’ sa Ninoy Aquino International Airport terminals.
Marami ang nagpapasalamat dahil kahit paano ay nabawasan ang sindikato ng ‘baggage thieves’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa unang arangkada ng kampanya ay nasabat ng mga intelligence operatives ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang anim na contractual workers sa baggage loading station nitong Marso 26 na naaktohang binitbit ang isang bag, bago isakay sa isang eroplano patungong Korea.
Ayon kay MIAA AGM-SES Vicente Guerzon, ang anim ay nasabat habang nagsasagawa ng surveillance ang MIAA Intelligence operatives sa baggage loading station ng NAIA Terminal 1 dakong 10:30 a.m. nitong March 26.
Kinilala ang isang baggage loader bilang Emiliano (surname withheld until investigation is completed) na nasabat ng mga awtoridad nang makitang kinukuha niya ang isang bag sa Terminal 1 baggage build-up area, ilang minuto bago isakay sa Korea-bound aircraft.
Nakuha kay Emiliano ang isang Police eyeglasses with case. Agad din nagsagawa ng inspeksiyon ang Intelligence agents sa lockers ng lima pang nasabat na baggage loaders na kinakitaan ng iba’t ibang items.
Kabilang sa mga item na natagpuan sa locker ng limang baggage loaders ay alahas na gold ring at gold earring, G-Shock wristwatch, Seiko wristwatch, at tatlong branded na nmen’s sunglasses.
Nakuha rin sa kanila ang 17 combination and digital padlocks.
Ayon sa MIAA, ang anim ay empleyado ng subsidiary corporation ng accredited ground handling companies ng NAIA.
Agad kinompiska ang access pass ng anim at sila ay isinailalim sa imbestigasyon.
Pero agad din ini-release sa kani-kanilang supervisors ang anim dahil kailangan pa umano ng masusing imbestigasyon.
Ginarantiyahan naman ng kanilang supervisors na maihaharap nila ang anim kung kinakailangan sa isinasagawang imbestigasyon.
Ibig sabihin, hindi pa raw matibay ang mga ebidensiyang nakuha sa anim na baggage loader kaya ini-release pansamantala sila.
Gayon man, inihayag ng MIAA na patuloy ang ginagawa nilang surveillance para sa kaligtasan ng mga bagahe ng mga pasahero.
Pinaalalahanan din ni MIAA General Manager Jose Angel Honrado ang mga pasahero na maging maingat sa paglalagay ng items sa kanilang luggages.
“As much as possible let us avoid putting valuable items in our luggage. If it cannot be avoided, do not put them in front pockets and pouches where they can be easily identified by simply feeling them. They become tempting to certain people,” diin ni Honrado.
Mag-ingat sa milk tea lalo ang mga estudyante
GRABE naman po ang nangyari roon sa mga nalason ng milk tea. Mismong ‘yung may-ari patay agad pati ‘yung customer na babae kawawa naman, nadamay pa.
Dapat imbestigahan mabuti ng pulis ‘yan. Kaya ‘yung mga estudyante, mag-ingat kayo sa pagbili-bili ng milk tea. E puro sugar at artificial flavour na lang ‘yan. I-check lahat ng tindahan ng milk tea para hindi na maulit ang insiden-teng gaya n‘yan. +63999887 – – – –
Bulgarian hacker sinundan ni Bill
KAYA naman pala pumunta sa Pinas si Bill Gates para ikaptyur ‘yung Bulgarian hacker na nagnakaw sa kanya ng P75,000. Pero duda ako na may intensiyon si Bill Gates na kunin ‘yan kasi na-hack ang kanyang bank account. P75K lang nga kaya ang nakuha sa kanya?! O baka naman US$75-M? Bakit dito sa ‘Pinas ginawa ng Bulgarian hacker ang operation?! Siguro dahil alam niyang hindi siya makukulong dito dahil pwedeng maghatag sa mga corrupt na law enforcers. Di ba ka Jerry?! +63932403 – – – –
Bastos na guwardiya ng EARIST kinondena
BAKIT po ganyan ang guwardiya sa Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Techbology (EARIST), kung magbawal sa mga magulang na bawal pumasok sa campus ‘e parang berdugo. Bastos masyado. Pwede bang palitan ninyo ang kompanyang nagbibigay ng guwardiya?! Walang respeto sa mga nagpapasuweldo sa kanila. Salamat po. +63917456 – – – –
Drug test gawing employment requirement
SANA po maging employment requirement na itong drug test pero sana libre lang, kasi kawawa naman ‘yung mahihirap na nag-a-apply ng trabaho. Kawawa ang kompanya kapag napapasukan ng mga adik, nasisira ang trabaho. Ang dami po ngayon kung makaporma grabe. Salamat po. +630915338 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com