Friday , November 15 2024

Yaya’s meal inalmahan ng DoLE  

DOLEITINURING na “discriminating” ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang paraan ng pagtrato sa mga yaya ng isang mamahaling resort sa lalawigan ng Quezon.

Ang reaksiyon ni Baldoz ay kasunod ng ulat na lumutang nitong nakaraang Semana Santa kaugnay nang iniaalok na “yaya’s meal” sa Balesin Island Club.

Ayon kay Baldoz, ang pagbansag ng “yaya’s meal” sa pagkaing iniaalok sa mga kasambahay na kasamang nagbabakasyon ng kanilang mga amo sa nasabing resort ay maituturing na discriminatory act, bagamat hindi ito maituturing na paglabag sa umiiral na batas sa paggawa.

Ngunit ang nakalulungkot aniya, ang pagkakaroon ng “yaya’s meals” ay nagpapakita na ilang sektor pa rin sa ating lipunan ang may mababang pagtingin sa mga kasambahay.

Para sa kalihim, sinadya man o hindi ang pagbansag sa “yaya’s meal,” ito ay nagkakait pa rin sa dignidad ng mga kasambahay bilang mga manggagawa.

Nakalulungkot aniya na lumulutang ang ganitong pagtrato sa harap nang pagsusulong ng kagawaran na makilala sa lipunan ang mga kasambahay bilang bahagi ng pambansang puwersa ng paggawa.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *