Friday , November 15 2024

School principal utas sa boga ng spotlight operator

Police Line do not crossBINARIL at napatay ang 69-anyos school principal ng isang spotlight operator na sinasabing natitigan nang masama ng biktima kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Binawian ng buhay bago idating sa Muntinlupa City Medical Center ang biktimang si Editha Tabor, principal sa isang pribadong paaralan sa Cavite, residente ng 2321 Oakland St., Park Homes, Brgy. Tunasan, Muntinlupa City, bunsod ng  dalawang tama ng bala sa ulo mula sa kalibre .38 baril.

Nakakulong na sa Muntinlupa City Police detention cell  ang suspek na si Artemio Solayao, 42, ng FTI, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Base sa report na natanggap ni Muntinlupa City Police chief, Sr. Supt. Allan Nobleza, naganap ang insidente dakong 7:20 a.m. sa harapan ng Tunasan Market, National Road, Brgy. Tunasan ng naturang lungsod.

Nag-aabang ng masasakyang jeep  ang biktima patungo sa kanilang paaralan, nang hindi sinasadyang matitigan ang suspek.

Ikinagalit ito ng suspek kaya nilapitan ang biktima at sinita na humantong sa mainitang pagtatalo. Pagkaraan ay bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan sa ulo ang ginang.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *