Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasahero biniglang-liko taxi driver kalaboso

101614 rape girl abusedILOILO CITY – Sinampahan ng attempted rape ang ng isang taxi driver makaraan tangkang i-check-in sa motel ang kanyang pasahero.

Ang insidente ay nangyari kamakalawa ng gabi nang magpahatid ang isang babaeng pasahero sa Villa Carolina sa Arevalo, Iloilo City.

Sa salaysay ng hindi na pinangalanang pasahero, nakatulog siya sa taxi at nagising na lamang na nasa garahe na sila ng motel at hinihipuan na ng taxi driver sa kanyang dibdib at nabuksan na rin ang zipper ng kanyang pantalon.

Depensa ng driver na itinago lamang sa pangalang alyas Noel, 43-anyos, dinala niya sa motel ang kanyang pasahero para makapagpahinga dahil hindi magising.

Aniya, wala siyang balak na masama laban sa biktima dahil panget at marami pang tattoo sa katawan.

Ngunit hindi pinaniwalaan ng mga pulis ang alibi ng driver kaya inaresto at nakakulong na ngayon sa Arevalo Police Station.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …