Friday , November 15 2024

Kusinera dedbol sa bundol ng kotse (Naputulan ng 2 hita)

112514 deadPATAY ang isang babae makaraan mabundol ng kotse habang pasakay ng jeep sa Sucat, Muntinlupa City nitong Huwebes ng umaga. 

Naputulan ng magkabilang hita ang biktima nang maipit sa estribo ng jeep dahil sa lakas nang pagsalpok sa kanya ng kotse sa kanto ng Villoco Street at West Service Road. 

Kinilala ang biktimang si Shirley Rabusa, 56, kusinera sa isang pamilya sa South Bay Subdivision. 

Bago ang insidente, nakausap ng street sweeper na si Lucia Macarubo ang biktimang madalas mag-abang ng jeep sa lugar kapag papunta sa Alabang para mamalengke tuwing madaling araw. 

Habang kuwento ni Vermillo Gordon, driver ng jeep na sasakyan sana ni Rabusa, nakatalikod na ang biktima at papasok ng jeep kaya hindi niya napansin ang humaharurot na kotse sa likuran.

Abswelto sa insidente si Gordon na nasa tamang lugar nang magsakay ng pasahero.

Samantala, hawak na ng mga awtoridad ang driver na nakabangga kay Rabusa na si Jose Emmanuel Ranola, 25-anyos.

Ayon sa ilang saksi, amoy alak ang driver at nagtangka pang tumakas makaraan ang insidente.

Nahaharap si Ranola sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *